Bakit nga ba, ika nga namin ng kaibigan kong itago nating sa pangalang Delilah, may mga lalaki talagang sadyang overstaying sa ating system? Hindi naman siguro nagkulang ang ating lipunan at lansangan sa pag censure ng pang-iistambay. Yung sari-sari store namin sa kanto, nakalagay “Bawal ang tambay dito” (Sa ibaba ng “you’re credit is good but we needs cash”). Sa food court sa SM North, nakalagay doon “please give way to eating customers”. Sa school ko naman dati, may malaking karatula na nakalagay, “Scholasticans do not loiter”.
Sa dinami-dami ng ganitong mga mensahe — in all variations and degrees of politeness — bakit bakit LORD bakit may mga tao — na ating itawag sa generic na katagang “ex” — deadset talagang manatili sa ating bloodstream. Parang mga manginginom sa bar na ninenego pa ang waitress na tatlong beses nang sinabing “last order na po”. Parang mga aktibista sa rally na kahit water cannon di magpapatinag.
At ang uncanny sa mga taong ito, parang mayroon talaga silang angking ESP na nalalaman nila kung kailan ang pinakaswak na oras para mag-text ng mga nakakagulumihanang mga mensahe. Pwede namang mag-text sila habang nanonood ka ng magandang sine, yun bang distracted ka na masyado. But no. Kailangan talaga habang umiinom ka sa isang dimly lit bar na may pang-mellow touch music sa background at nasa perfect limbo ng amats. Warm fuzzy feeling, at di pa gumagapang sa sahig (though never naman nangyari sa kin yun.)
Talaga namang sa ganitong millieu, may effect yung text na “I can’t get you out of my mind.” Syempre, isip isip ka ng irereply. Pangit naman ang dedma. Option A: “I’m in love with someone else.” Haller. OA ng slight. Di ka naman inaaya magpakasal. Option B: “Ako din naman, kung minsan.” Lalong haller. Isa lang ang kahihitnatnan ng ganyang uri ng reply — one night stand. Patweetums na booty call. Option C: “You’re twenty five minutes too late.” Oo, Option C ang inavail ko. Jologs kung jologs. Love radio ang moda. O di kaya pang-videoke machine sa terminal ng bus sa probinsya. At least hindi “quit playing games with my heart.” Baka sa sobrang laos ng backstreet boys, hindi makuha ang allusion at isipin talagang nasa state of emotional disequilibrium ako. Mahirap na.
At syempre hindi nagtapos dun. May light banter pa. Kaunti. Kung baga e ballet na halos di tumatapak ang toes sa sahig. Pahapyaw, pasaring, padancing dancing, pachancing chancing. (buti nalang hindi binabasa ng taong ito ang blog ko, hehehe.) Ganyan naman talaga di ba? May sporadic moments ng landian, tapos nawawala ulit, tapos bumabalik. Minsan, di mo napapansin kasi busy-busyhan ko, minsan sobra ka namang na-aaffect. Tulad ni Delilah. Nagtext siya sa dati niyang jowa ng harmless na “kumain ka na?” (although alam nating lahat na hindi harmless ang text na ganun…) Ang reply ng gago: “ikaw sana kakainin ko. (smiley face)” Ayun, nawindang na si Ate. At nag-generate ang simpleng text exchange na ito ng isang mahabang discussion at processing isang sabado ng hapon sa BarKo. Hindi naman ganun ka exag yung mga ex ko, wala namang kainang involved. Two weeks ago, nung Holy Week, may natanggap akong text: “You should write and write and write and write. To me, you are a lawyer last, a writer next and pretty first.” Tao lang naman po ako. May effect yon ng slight. Hindi lang pala slight. Sigh. Hehehe.
Earlier that day, nagcheck ako ng account balance ko sa BPI. Mukhang nagkamali ang banko kasi lumaki ang balance ko ng hindi ako nagdedeposit (hindi naman kalakihan ang nadagdag, pang ice cream lang). Tinanong ko ang kaibigan kong si Fay kung binabawi ba yon ng banko eventually, o nanalo na ba ako ng jackpot. Binabawi raw yung ng banko, sabi niya. Sayang, sabi ko. Kala ko makakashopping na ako at mag-eenjoy sa perang di ko kinita.
“Mas masarap mag-enjoy sa pinundar at pinaghirapan mo.” sabi ni Fay, na what do you know, ay isang teacher.
May koneksyon ba itong huling paragraph sa kabuuang kwento? Oo, ipilit niyo. Sige na. Tutal umabot na din naman kayo dito sa dulo.





