One of my New Year’s resolutions — care of Dianne, last night – is to stop nagging.
Well, to begin with, makulit talaga akong tao. And easily excitable over small but happy things. Like last night, kinukulit ko yung tatlo kong friends na pumunta sa Uncle Tat’s kasi bitbit ko na mga regalo nila at eggcited na ako ibigay sa kanila. Syempre gusto ko din sila makita. Especially si Gus. Naka-save na ata sa message template ko ang “Analog kami, Gus”. Kasi naman, sa Ortigas pa ang office ng sosyaling bakla habang kaming lahat ay taga Village. Pero in fernez, pag gabing gabi na at naisipan naming uminom na kaming dalawa lang, magkikita kami sa Quattro at magtatawanan forever and a day.
Pero makulit din ako sa work. And I suppose on regular days, that’s a good thing. Pero sabi ni Dianne kagabi, wala daw akong paggalang sa pasko. Like kahapon, nagtext sa akin yung isang PO ng forwarded christmas message na “today i pray for this hungry land…chenes chenes..so we can find hope… chenes chenes… merry christmas) e halos inaraw-araw ko ang pangungulit sa kanya the past weeks para makuha ang transcript na kailangan namin sa hearing sa January 8, walang sagot ang lolo mo. So nung nagtext sya ng hungry land ek ek, nireply-an ko agad ng “hooooy, lalong di matatapos ang hunger kung matalo tayo sa kaso natin. i-LBC na ang transcript, NOW NA.” Ayun, success naman, mukhang makukuha ko ngayong araw na ito ang transcript. Tapos, masigasig din ako nangungulit sa Visayas at Mindanao friends para sa RP-China. Tapos, nagseset-set ako ng mga meeting meeting for the first week of January.
Kinwento ko kay Dianne ito kagabi, fully expecting her to side with me. “Hindi naman tumitigil ang problema ng mundo dahil nagpasko” sabi ko sa kanya. Ang reply niya, “pero sana isang araw man lang sa isang taon, wag mo silang bagabagin ng problema ng mundo at hayaan mo silang magdiwang.”
May point. Naguilty naman ako. O siya sige, hindi ako mangungulit ng tao mula ngayon hanggang January 2, 2008. Wala kayong makukuhang email or text sa akin except “i dream of hope for this hungry land, love for our weary souls…chenes chenes…shpluk shpluk shpluk… happy new year. isang tagay sa 2008.” Promise yan. Masabugan man ako ng Judas Belt.
And speaking of Dianne, basahin niyo latest blog entry niya dito. Tungkol sa LOVE. (all caps pa talaga.. parang “uy, love daw, waw! sige, ma-click nga!! now na! cant wait!”)
Labo. Antok pa ako. Kakagising ko lang. Sarap ng MSG nudols kagabi sa Kowloon after ng Uncle Tat’s. Pagsumisinok ako, natitikman ko pa. Yum.
Haha. ang seksi ko talaga.





