Bad trip. Bad trip. Bad trip.
Denied daw ang Second MR namin sa Dusit. Hence, jurisprudence na na pag ang manggagawa ay naglunsad ng peaceful protest action basta “embarrassing to the employer”, strike na yun.
Nagpuyat kang gumawa ng dokumento, at ginawa mo ito sa gitna ng mga meetings at pagpaplano para sa CARPER deadline, pero malalaman mong hindi pala ito nafile on time.
Nag-oorganisa ka ng forum na binagsakan naman at pinagpasyahan pagtulungang gawin, pero parang namamalimos ka ng pansin. As though ikaw wala kang ibang trabaho kundi mangulit sa text at tawag.
Sumasakit na ulo mo may deadline kang Appeal sa lunes, pero may byahe ka papuntang Bacolod sa Linggo. Na by the way kailangan ng powerpoint presentation. Sa Lunes, mula airport diretso Kongreso. May activity kasi. Something like that.
May gusto pang pumasok ng kaso, CLOA cancellation, samantalang tatlong kaso na ang tinanggap mo sa loob ng isang gabing pulong sa harap ng DAR. Hindi ata naman nabibili ang Petition sa carinderia. Hindi naman ako robot, pabrika ng lomi at pleading, tambakan ng kaso tapos sa ibang bagay ay hindi naman kasali, hindi tinuturing na kabahagi.
Ewan.
Pagod na pagod na ako. Gusto ko na umiyak.
Mabuti nalang andyan si Yoyong Merida, ang magiting (at kunwari ay english-speaking) magsasaka ng Sumilao, na nagtetext ng “i miss my beatifol farm in Sumilao, San Vicente, Bukidnon, which i leave to go to Manila to fight for the right of the farmer, so therefore that’s why i will work my farmtown in Facebook.”
Sige ako din Yoyong. Farmtown nalang ako. Mas masaya pa. Level 25 na ako.
p.s. gusto ko lang mag-angst. siguro ay rereglahin lang ako. buburahin ko ito bukas.





