Posted by: Jae | April 27, 2007

Tambay

Bakit nga ba, ika nga namin ng kaibigan kong itago nating sa pangalang Delilah, may mga lalaki talagang sadyang overstaying sa ating system? Hindi naman siguro nagkulang ang ating lipunan at lansangan sa pag censure ng pang-iistambay. Yung sari-sari store namin sa kanto, nakalagay “Bawal ang tambay dito” (Sa ibaba ng “you’re credit is good but we needs cash”). Sa food court sa SM North, nakalagay doon “please give way to eating customers”. Sa school ko naman dati, may malaking karatula na nakalagay, “Scholasticans do not loiter”.

Sa dinami-dami ng ganitong mga mensahe — in all variations and degrees of politeness — bakit bakit LORD bakit may mga tao — na ating itawag sa generic na katagang “ex” — deadset talagang manatili sa ating bloodstream. Parang mga manginginom sa bar na ninenego pa ang waitress na tatlong beses nang sinabing “last order na po”. Parang mga aktibista sa rally na kahit water cannon di magpapatinag.

At ang uncanny sa mga taong ito, parang mayroon talaga silang angking ESP na nalalaman nila kung kailan ang pinakaswak na oras para mag-text ng mga nakakagulumihanang mga mensahe. Pwede namang mag-text sila habang nanonood ka ng magandang sine, yun bang distracted ka na masyado. But no. Kailangan talaga habang umiinom ka sa isang dimly lit bar na may pang-mellow touch music sa background at nasa perfect limbo ng amats. Warm fuzzy feeling, at di pa gumagapang sa sahig (though never naman nangyari sa kin yun.)

Talaga namang sa ganitong millieu, may effect yung text na “I can’t get you out of my mind.” Syempre, isip isip ka ng irereply. Pangit naman ang dedma. Option A: “I’m in love with someone else.” Haller. OA ng slight. Di ka naman inaaya magpakasal. Option B: “Ako din naman, kung minsan.” Lalong haller. Isa lang ang kahihitnatnan ng ganyang uri ng reply — one night stand. Patweetums na booty call. Option C: “You’re twenty five minutes too late.” Oo, Option C ang inavail ko. Jologs kung jologs. Love radio ang moda. O di kaya pang-videoke machine sa terminal ng bus sa probinsya. At least hindi “quit playing games with my heart.” Baka sa sobrang laos ng backstreet boys, hindi makuha ang allusion at isipin talagang nasa state of emotional disequilibrium ako. Mahirap na.

At syempre hindi nagtapos dun. May light banter pa. Kaunti. Kung baga e ballet na halos di tumatapak ang toes sa sahig. Pahapyaw, pasaring, padancing dancing, pachancing chancing. (buti nalang hindi binabasa ng taong ito ang blog ko, hehehe.) Ganyan naman talaga di ba? May sporadic moments ng landian, tapos nawawala ulit, tapos bumabalik. Minsan, di mo napapansin kasi busy-busyhan ko, minsan sobra ka namang na-aaffect. Tulad ni Delilah. Nagtext siya sa dati niyang jowa ng harmless na “kumain ka na?” (although alam nating lahat na hindi harmless ang text na ganun…) Ang reply ng gago: “ikaw sana kakainin ko. (smiley face)” Ayun, nawindang na si Ate. At nag-generate ang simpleng text exchange na ito ng isang mahabang discussion at processing isang sabado ng hapon sa BarKo. Hindi naman ganun ka exag yung mga ex ko, wala namang kainang involved. Two weeks ago, nung Holy Week, may natanggap akong text: “You should write and write and write and write. To me, you are a lawyer last, a writer next and pretty first.” Tao lang naman po ako. May effect yon ng slight. Hindi lang pala slight. Sigh. Hehehe.

Earlier that day, nagcheck ako ng account balance ko sa BPI. Mukhang nagkamali ang banko kasi lumaki ang balance ko ng hindi ako nagdedeposit (hindi naman kalakihan ang nadagdag, pang ice cream lang). Tinanong ko ang kaibigan kong si Fay kung binabawi ba yon ng banko eventually, o nanalo na ba ako ng jackpot. Binabawi raw yung ng banko, sabi niya. Sayang, sabi ko. Kala ko makakashopping na ako at mag-eenjoy sa perang di ko kinita.

Mas masarap mag-enjoy sa pinundar at pinaghirapan mo.” sabi ni Fay, na what do you know, ay isang teacher.

May koneksyon ba itong huling paragraph sa kabuuang kwento? Oo, ipilit niyo. Sige na. Tutal umabot na din naman kayo dito sa dulo.


Responses

  1. Jae, Mga baliw silang lahat. ewan ko ba kung bakit matapos mong paalisin, lalabas at akala mong uuwi na, susuka lang pala tapos balik-pasok na naman sa iskinita papasok sa buhay mo. Nasan na ba kasi ang mga nanay nito? Parang awa naman nila.

    Honga pala, pinapasabi ni kaibigang Delilah na FYI, hindi raw sya ang nag-initiate ng text dun, biglang ngyaya mag-lunch, harmless nya man lng tinanong kung ano ang ulam. At pangalawa, sana man lng raw matawag nyang ex si gago, but NO. Ayus-ayusin mo raw facts mo at nakakahiya, Journ graduate ka pa naman.

  2. hindi man lang pala ex. why why why delilah?

  3. E yung ex mo na parang stalker? Hindi lang yun tumambay, nagtayo pa ng outhouse.

  4. Jae, para sa mga hindi malimot na nakaraan.
    -Emman

    Bagahe
    Pebrero 2007

    Lubusang bagahe ang iyong mga alaala sa akin. Halos makuba ako sa pagbibitbit ng mga dalahing ito ngunit patuloy ang aking pagkarga, patuloy ang pagdala ko sa iyo. Male-maleta ng iyong nakaraan ang aking araw-araw na dinadala. Sa mga makikipot na daan na minsan lamang dapuan ng liwanag, sa mga eskinitang tinambayan ng aking lungkot at pagdurusa, sa mga kalsadang inaspalto ng luha, pagod at kawalan ng pag-asa, sa mga baku-bakong lansangang madalas ko tirikan. Dito,dito kita pilit tinatawid.

    Madalas, gusto na kita iwan, madalas gusto na kita itapon sa mga matatarik na bangin ng pagkalimot, madalas gusto na kita ibaon sa aking baul at ilibing ito sa kinakalawang kong puso, ngunit ikaw ang tipo ng bagaheng hindi ko maisantabi, maiwan at maitapon.

    Hanggang kailan kaya kita papasanin, hanggang kailan ka kaya manunukso ng mga baka at posibilidad sa aking naghihingalong pagsusuma, kung may pag-asa pa nga ba tayo? Male-maleta ang iyong nakaraan na umiikot sa aking gunita, kahon-kahon ang ating mga away at hindi matapos na paalam sa isa’t isa.

    Alam ko ganito ka rin dati. Naglalakad ng nakayuko, halos mabali ang mga buto sa mabibigat na pasanin. Ngunit sabi mo nga ikaw ay lubusang masaya na, sa ganyan, walang hinahanap, walang ginugusto, walang hinihintay.

    Bakit ba tayo umabot sa ganito? Sino ang makakapagsabi na magpapalitan tayo ng mga mala-punyal na salitang hindi natin alam kung saan hinugot, na magbibigayan tayo ng sakit at pighati at sa dulo halos pumasan ng mga kabundok na pasanin at bagahe na ‘di nagpapatulog sa atin sa maraming gabi?

    Mahal na mahal pa rin kita. Ngunit baka tama ka nga na malamang hindi na rin sasapat ang mga ito. Wala na siguro sasapat. Wala ng makakahatid sa atin sa pampang upang maging tulad ng dati.

    Naiisip parin kita. Naluluha pa rin ako sa mag paulit-ulit na bangungot ng ating nakaraan. Hanggang kailan kaya kita papasanin? Hanggang kailan kaya kita titiisin?

    Ikaw ang aking pinakamasaya, pinakamaganda at pinakamalungkot na bagahe at alaala.

    Nakakakuba magmahal at ang pagtatangkang lumimot…

  5. jae, sino yung ex mo na nagtayo ng outhouse? si delilah, nadali ata sa long hair.

  6. Emman: Hanep.🙂

    Dianne: Heheh, pareho lang sila ni Samson, nadadali sa long hair. (laughter naman diyan). Ano ka ba, kilala mo yun noh. Wag ka na mag follow-up question dito sa blog. hehe.

  7. i’m all for “sporadic moments of landian.” teehee

  8. Risa: Korek, the key word though should be “sporadic”. For sanity all around.😉

  9. Hi Jae,

    ‘Love is so short, forgetting is so long.’ And to be candid about it: This is all the more so because lust is so vicious! At least honest – bastos nga lang – ‘yung ex ni Delilah. Pakisabi kay Delilah she should not call the ex or send a text; it’s a guy thing! Hayaan niyang maghabol ang ex. (Where has the sweetness gone when the guy was still courting you/her?) If a man truly loves you, he won’t let go of you.

    Ang mahirap sa tambay, minsan F na F (feel na feel) na secured na, akala mo may pinaghirapan na at naipundar na – so insensitive na ang naipundar niya pala ay hirap at pasakit, hehe. Just like any other thing, feeling, and emotion, people come and go. You will soon get over him.

    Forget the past, it will never come back; but remember its lessons. Forget those who have once stolen your dreams, they are not important to you anymore, they do not fit your life anymore; but remember that we grow and progress in life thanks to those who have helped, motivated, and inspired us.

    Ang sarap naman talagang tumambay rito sa blog mo, ang galing! Cheers!

  10. matapos basahin ang mga comments, naawa ako bigla kay delilah.

  11. Bonn: Well, minsan naman, kahit naka-let go ka na at naka-move on, normal naman na minsan nasesenti ka, nanunumbalik ang nakaraan (kasalanan ito ni Barry Manilow). As long as the relationship was a healthy one naman, and hindi ka naman trapped in the past, ok naman yung ganung paminsan minsan na pagbabalik tanaw.

    Dianne: Dapat kasi mag-inuman nalang si Delilah at si Emman eh. hehehe. Ang lapit lang ng BarKo.🙂

  12. Tama ba yung ex na nasa isip ko?🙂

  13. “Forget the past, it will never come back; but remember its lessons. Forget those who have once stolen your dreams, they are not important to you anymore, they do not fit your life anymore; but remember that we grow and progress in life thanks to those who have helped, motivated, and inspired us.”

    agree, agree. except sometimes they’re still important and they still fit you. and sometimes they didn’t help, motivate or inspired you — instead they walked all over you, treated you like dirt and made you feel like shit. (bitter brigade alert! hehehe.)

    **********

    jae, how apt that i visit your blog today. about relational space, or spatial relationships, or whatever. i think people don’t stop becoming part of your life just because you don’t see each other anymore.

    i am still of the belief that people come into our lives for a reason, and that every person who is in our life serves a particular lesson for us to learn. (even you and me! hehehe!!)

    and from what we do know of each other, i think you’d agree with me when i say that it is so easy to be vulnerable because of the small things. his shoes. the way he sits across the table. the way he walks. his fucking hair.

    the important thing is, how not to be frazzled by the presence of such people in your life. you have to find peace with the fact that they’re not going away. if not physically, then even worse, perhaps, in your mind and in your heart.

    lingering,
    vince

  14. jordan: hehehe. miss na talaga kita. hindi pa ako nagpapakabit ng skypes.

    vince: totoo yon. hahaha. wala nang masabi eh noh. chos!

    natatawa ako. ito atang blog entry na ito ang nakagenerate ng pinakamahabang comments galing sa mga tao.🙂

  15. Alam mo, sa lahat ng naging ka-relasyon ko, hindi ako umaalis na alam kong hindi ko pa kayang umalis. Merong drama na, ‘ayoko na break na tayo’, pero drama lang talaga yun, nagpapahabol lang at gustong ma-affirm na special pa rin ako at hindi kayang pakawalan. Ego trip kumbaga. Pero matagal akong umalis na seryosong gusto ko nang umalis.

    Kasi mahirap na sabihin mong ayaw mo na pero gusto mo pa pala. Kaya mo pa palang tiisin ang pagkukulang nya at hindi mo pa pala kayang maging mag-isa. Kaya hindi pa sa kin nangyayari ang mapa-isip sa isang enigmatic text from an ex. Kapag sinuka na, wag ng balikan. Siguro, ilang buwang nakalipas, medyo nakakalimutan na ang mga dahilan kung bakit mo sya tinalikuran, kaya isang text lang, parang gusto mo nang bumigay at makipag-landian, pero may matinding dahilan kung bakit ka umayaw, kailangan mo lang maalala. Nangako man syang magbago, at kung anu-anong pangako, noong araw na umayaw ka, alam mong may malaking mali sa relasyon, alam mong hindi kayo para sa isa’t isa. Wag mong kalimutan yun kahit vulnerable ka nung nag-text sya.

    Totoong meron din namang nagkamali sa pakikipag-hiwalay. Pero hindi pa nangyari sa kin yun. Kasi nga, kahit wala ng pag-asa hindi pa rin ako kumakalas (read: medyo tanga). Kaya pag sinabi ko nang ayaw ko na, siguradong wala ng kahihinatnan ang relasyon. At good riddance sa kanya!🙂

  16. Hi Joan! Minsan, nagmamahalan naman kayong dalawa at faithful naman kayo sa isa’t isa, pero hindi rin naman yon enough to sustain a relationship. I think relationships have to be nurtured, and love (like the devil :)) is in the details, and not in the broad strokes. (Kahit naman busy ka for a legitimate reason, mahalaga rin yung effort to keep in touch, halimbawa, or to make time.) Yung mga ganitong pagkukulang, madaling matiis sa paminsan-minsan, pero pag paulit-ulit nakakainis.

    Ive never really said “ayoko na” na pang-ego trip lang. At the time, I really meant it, pero syempre, dahil nga nandun pa din at di nawawala yung love, you make a go at it again. Pero minsan, mapapagod ka na talaga.

    And when that happens, it becomes a sole question of stamina. Pag di mo na kaya, kahit gusto mo pa, kahit gusto niyo pa, wala na talaga.

    Jae


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: