Posted by: Jae | May 22, 2007

Basta alam ko…

Basta alam ko, lahat ng boto namin malinis. Walang dungis ng dugo. Walang kapalit na pera. O tocino. O United American Tikitiki na malapit na mag-expire. O insurance cards. O cards na nangangako ng coco levy shares sa mga magsasaka. O limpak limpak na pera na ang puno’t dulong magbabayad ay ang kaban ng bayan. Lahat ng boto galing sa tunay na naniwala, nagtaya, nagpunyagi.

Basta alam ko, lahat ng boto namin galing sa malinis at tapat na pangangampanya. Walang galing sa pananakot ng militar. O sa Malakanyang o sa DAR o sa anumang kawani ng pamahalaan. O dahas ng armadong pwersang kaliwa. Lahat ng nangampanya, simpleng tao. Simpleng makinarya. Kahit zesto, hindi makapagbigay. Walang pinapangako kundi pagbabago.

Basta alam ko, lumaban kami ng patas. Sumunod sa patakaran. Sineryoso ang pakikilahok. Isinabuhay ang tunay na diwa ng sistemang party-list.

Basta alam ko, wala kaming tinatago. Nung nakita ko ang isang kakilala kong lawyer sa PICC at sinabi niyang abugado siya ng isang party-list, tinanong ko sa kanya kung sino nga ulit ang nominees nila. Ang sabi niya, “I’m not at liberty to disclose.” (Tulog ata nung nag-decide ang Supreme Court). Basta alam ko, proud ako kay Risa, Walden at Gico. At sasabihin ko sa iyo ng paulit-ulit kahit sawa ka na makinig.

Basta alam ko, AKBAYAN ako.

Sabi nga ng awit ni Engelbert Humperdinck: “Heart don’t fail us now…”


Responses

  1. basta alam ko, noong nakaraang kongreso (dahil patapos na rin ang thirteenth congress) nakita ko kung paano magtrabaho si mayong alang sa mga manggagawa. Di naman niya forte ang labor pero kung paano niya tinalakay at ipinaliwanag ang mga batas na nakasalang, daig pa niya ang abugado. Ganyan ang akbayan, di lang kumikilos sa lansangan pero mas mahalaga, mahusay magtrabaho sa loob ng kongreso para ipaglaban ang interes ng mga isinasantabi ng lipunan. Kulang lang nga sa media mileage pero ok na rin ito dahil mukhang naaakit ang media doon sa mga magagaling lamang sa propaganda at sa pagbitaw ng sound bites pero kulang naman sa aksyon at committee work. Huwag na natin banggitin kung sino sila, alam na nila yun. Sadyang nakakapanghinayang na tila mababawasan nga ng kinatawan ang akbayan. Pero di naman nakukuha sa dami ng kinatawan yan eh. Kahit isa o dalawa lang ang kinatawan ng akbayan, naniniwala ako na kahit pagsamasamahin mo pa ang ibang mga partylist na yan, dadaigin pa rin ng akbayan ang trabaho na magagawa nila sa kongreso. Jae, dito masusubukan ang tema niyo sa friends of akbayan na ‘power of one’…Can a lone representative make a difference in the halls of congress? You bet! ESPECIALLY IF it’s a representative from akbayan!

  2. Oops, kawawa naman ang ibang congresspeople na ok din magtrabaho. Jae, please edit my last sentence to, “You bet! Especially if it’s a representative from akbayan!”

  3. levy: ayan inayos ko na.🙂 salamat sa comment mo, at mabuhay ang pwersang panggawa. mwah!

  4. Hi Jae.

    Iisa lang ang alam ko:
    tanggap ko na kung ano
    ang kalalabasan ng halalang ito
    at sa isang bahagi, kailangang
    may managot at kailangang may
    magwasto.

    VT

  5. Hi Jae,

    Basta ang alam ko, may mananagot
    at may magwawasto para itaguyod
    ang dangal ng Pilipino.

    Village Tickler

  6. Basta ang alam ko…
    ‘Korek’ ka😉
    At hindi tayo namigay ng ‘tocino’
    Sa mga tricycle drivers
    Ng Mandaluyong
    Este, Basilan
    Hehehe!

    I just watched your almost 10-minute webcast interview, Atty Ja(y)!
    Nakatutuwa naman!
    Mabuhay ka, Atty Jae!

  7. Bonn: Waaaaah! I cant believe you caught that!! And that you caught that “korek” thing.

  8. […] sa patakaran. Sineryoso ang pakikilahok. Isinabuhay ang tunay na diwa ng sistemang party-list. -Jae Fever, 22 May […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: