Posted by: Jae | August 7, 2007

Hot Sexy Lawyer Alert in BondocPen

Another one, I mean. Wahahahaha.

Dahil sa gitna ng death threats at ng mean-looking goons at ng agrarian injustice, nagkaron pa ako ng panahon na magkaron ng schoolgirl crush sa isang abugadong German na international observer. Pogi talaga sya mehn. At nakakatawa. At witty. At sharp. At charming. E may drama ako na gusto ko lang these days ay hot sexy brooding bad boy Pinoy leftist, so talagang ganun sya ka-hot na naovercome nya yung aking national patrimony requirement. (Although sabi ng isa kong friend na lawyer din sa bondoc when i told him na may dropdead gorgeous lawyer na pakalatkalat sa Mulanay — “i saw him, he’s not gorgeous and no one dropped dead”, sabay roll eyes.)

Pero for the life of me, hindi talaga ako marunong maginitiate ng paglalandi. As in. I have zero flirtation skills. I’m super lambing to my boy(space) friends, and I’m bubbly and chirpy around people, boys and girls alike, and these are often misinterpreted as flirting, pero hindi talaga. Pag may gusto ako, di ko talaga nilalapitan. Aantayin ko sila magshow ng interest. Pag di lumapit, e di, boo-hoo-hoo. Amazed ako sa mga kwento na, “yah, i met him in a bar, i slid him my number in a napkin.” “Hinagisan ko sya ng panty nung tumutugtog sya sa gig, ayun, kami na. magfifive years na nga kami.”

Hindi ako conservative. I’m just a big fat duwag.

So back to Captain Von Trapp. Mahaba-haba ang byahe papuntang BondocPen, marami-raming niyogang dinaanan. Syempre shpluk-shpluk about the cases, about agrarian injustice. “It’s hard to imagine a clearer demonstration of the consequences of having the landed elite control law-making than the law on qualified theft, which exacts a higher penalty for the theft of coconuts..” and I can go on and on and on, shpluk shpluk shpluk.

And then, eto na. “You know, I took up German in college.”

“Oh really, what do you remember?”

(and here’s the point when the veteran flirt would say some spicy, saucy and sexy German phrase, you know, like in the movies. But NO, not Jae. Because she likes to be unpredictable, but MAINLY because she doesnt know any spicy, saucy, sexy German phrase.)

“Hmm… I know how to count.” Sheepish smile, contrived semi-ditz giggle. (semi lang, kasi kakapaliwanag ko lang ng CARP.)

“Ok, let’s hear it.”

“Eins… Zwei… Drei…. Vier…. Funf….”

He clapped. And we both laughed.

At pagkatapos ng lahat, hiningi niya ang cellphone number ko. Naks. To discuss agrarian reform some more daw over coffee. Malamang totoo, hehe. Pero pagkatapos ng nakakabagot na byahe, mas nakakabagot na hearing, pagkatapos ng mega-doses of social realities and painful truths c/o BondocPen, ok lang naman siguro maging optimistic. At delusional. At self-absorbed.

Yahoo.🙂


Responses

  1. jae, alam ko na. di tlga kita tunay na kaibigan.magkatabi mesa natin sa office.batchmates pa tyo.pero noh, di mo man lang sinabi itong kababalaghang ito.isa kang taksil!hmph!

  2. haha ok lang yun jae, never ever dismiss someone as unsuitable for you on the basis of age or race. IQ pa siguro, and smell syempre, and yes, even taste in shoes. hehe🙂
    on a more serious note, glad to know you got back safe and sound.

  3. golda: haha. oo nga, inayos mo na nga laptop ko, di pa kita binahaginan ng cutie-pie german lawyer story. oo kababalaghan nga, dahil bihira ang mga ganyang cute na may social conscience pa. ang pinili pa ay bondoc.

    grace: yah, out na nga pag mabaho, o di kaya bobo. dagdag mo pa dyan ang foreigner na madaming reklamo sa pilipinas. ewan ko lang yung taste in shoes, di ata ako masyadong particular. state of toes and toe nails pwede pa. hehe.

  4. grabe. winner. pickup line of the century. im sure pag may lumapit sa yo na foreigner tapos sinabihan kang, isa… dalawa… tatlo… apat… lima… maeexcite ka talaga. how mysterious, how captivating…..

    panalo ka talaga if you got away with that. hehehe. hard to get away with something like that. Nagcountdown talaga. And now naisip ko na… hindi ka nga flirt but you are disarmingly charming. Naks. O quits na yung utang ko sa yo ha. hehehehe.

  5. alam mo jae, kung ipapabasa ko sa sampung tao itong post mo and, by a show of hands, itanong sa kanila kung hindi nga mega pagfi-flirt yung pag ein…zwei…drei… na ginawa mo e TIYAK pati mga paa nila ay itataas nila in agreement!!! Raise the roof ito! walang duda!!! Flirt kah!🙂 (so i heard ha..)

  6. galing ni jae hehehe effective pick-up lines!

  7. Hey charming closet flirt!

    “Mot.. hai.. ba.. bon..nam..sau..bai..tam..chin..muoi”
    Ganyan and flirtatious counting line in vietnamese for your future use. Pwede mo rin sabihin “Sau!” (in a kunwari galit manner + teasing look). Sau also means liar or “sinungaling ka pero ang cute mo so joke lang”.

  8. Hmmm, ako kaya kung nalagay sa stiwasyon na yan, ano kaya gagawin ko? Siguro pag may lull sa conversation sasabihin ko — “What color are your eyes? Hazel? Coz it’s not quite brown, it has a tinge of green”, sabay smile showing my pearly whites🙂 Na-establish na na may utak ako (CARP conversation etc.), ngayon naman i-establish na girl ako. Heehee.🙂 Arnold, yun, flirting ba yun?

  9. eto naman sa chinese:

    ee er san sce ooo leio chi pa jeow sshr (sa mandarin)

    it di sa si go lak chi pwe kao tsap (sa fookien)

  10. one two three four – disarmingly charming, waw. ive never been described that way before.😀

    arnold – weh. sige, flirt. pero newbie flirt.

    arcibald: pick-up line ba yun? hehe.

    jordan: “sinungaling ka pero ang cute mo so joke lang”. sobrang funny nito. parang sa tagalog, “pasaway ka” (with a giggle) = manyak ka, pero ok lang sa kin na magpamanyak sa yo, cute ka kasi.

    joan – hindi ko yun kaya! just thinking about it scares the crap out of me.

    levy: hahaha. sige, punta ako chinatown, hanap ako ng cute dun. test natin ang mandarin at fookien counting skills.

  11. Joan… seems like flirting pa din pero i’m not too sure… wala kasi yung kay jae na “contrived semi-ditz giggle,” which was the dead give-away sa case niya! wehehehehe…🙂

  12. hi jae! (though to me, you will always be rosselynn. :p)

    you can say “ich mag kaffe, aber ich mag dich mehr” i like coffee but i like you more :p

    *hugs*
    ching

  13. Dapat siguro mas madalas ang hearing mo dun, para ang pagbibiyahe ng magkasabay ay maging bahagi ng pagpapakilanlan at paglalapit. Syempre yung dalawang upuan sa van na magkatabi, irereserba na natin yun at lalagyan natin ng “reserved for lawyers”. Dapat kahit may iba pang lawyers na kasama, nagkakaintidihan na na ang uupo ay isang German lawyer at isa pang lawyer na Jae ang pangalan.

  14. hi ching! kamusta na? waw, sige, ok yan ah, i like coffee but i like you more. hahaha. coffee is hot but you are hotter. may ganun ba?

    hoy danny!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kung may 20 most embarassing moments ako sa buhay ko, eto na siguro yung pang 14th. pag pinabasa mo itong blog ko o ipamudmod dyan, papatayin talaga kita. kalimutan na ito. swear to god.

  15. pwede rin naman “i like my coffee with cream” sabay bytipol ays😀

  16. Kaffee ist heiß, aber du bist heißer.😉

    i’m doing ok. i got engaged to a wonderful german guy. learned a few more colorful phrases from him.🙂

    bow ako sa ‘yo. you’re doing what you really love.🙂

  17. thats good to hear! best wishes to both of you.🙂 ako ata, at the end of the day, ill probably still end up with a pinoy guy. harhar.

  18. jae, patingin ng picture. trust my judgment. i know cute when i see cute. charing!!!!!!!😛

  19. wahid, ithnan, arba, thalatha, khamsa, sita, saba, thamania, tisae, ashra….


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: