Posted by: Jae | August 26, 2007

Jologs na Feeling Profound

lovestory.jpg

My UP law blockmates and I — jologs and luuuuveeeehn it — had wanted to catch A Love Story on its first showing day last week, kaso we were foiled by the high school and college students who trooped to the malls when classes were suspended dahil kay Egay. Sigh. Kaya ayun, kahapon lang ako nakapanood. And lest people think that we merely spent two solid hours staring at Aga Muhlach’s buff bod (haaay, ulam!), napaisip-isip din ako ng slight sa mga bagay-bagay. (spoiler alert coming up…)

Maricel, the other woman who Aga met after getting married to Angelica, is Aga’s true love. Tipong love of epic proportions, this-love-is-bigger-than-ourselves chorva. Si Angelica naman, two decades younger, yung totoong wife. Happy nung start, naging rocky dahil career girl sya, lalong naging rocky dahil pumasok si Maricel, tapos nabuntis si Angelica, na-fait accompli si Aga, and ayun, after much hand-wringing (“pagod na pagod na ako mag-makaawa”) she got her happy ending.

So, eto, my Sunday morning ruminating:

Kung isa lang pwede kong piliin, mas gusto ko ba ng love deep and true na mala-signal number 10 ang intensity pero at the end of the day hindi mapapasaakin (kumbaga sa agrarian reform, nakahabi na ang kaluluwa mo sa lupa, at nakahabi na ang kaluluwa ng lupa sa iyo, hindi ka pa din magiging CLOA holder, ineng — NOT EVER!! asa ka pa!!)?

O mas gusto ko ba ng happy-ever-after with constancy and security and five-ten-fifteen year wedding anniversaries, pero lagi kang afraid kasi hindi ikaw ang once-in-a-lifetime love?

Kayo: True love or happy endings?


Responses

  1. hehe, kawawa naman ang di pa nakakapanood. sinira mo na. ako, hmmm, happy ending nalang siguro. natutunan na din naman ni aga mahalin si angelica di ba? gaano ba kahalaga at the end of the day ang intense na love, di ba?

  2. Parang…. mahalaga. Ewan ko lang. Kung pareho kayong intense ang pagmamahalan (hindi lang isa sa inyo ha, kasi… stalker ang dating nun), isnt that moment worth more than a lifetime? Pero di ako sure, kasi gusto ko maging nanay eventually.😦

    I want to SETTLE DOWN. But I dont want to SETTLE. And I don’t want anyone settling for me, either. So in short, wala pa akong sagot sa sarili kong tanong.

  3. jae… parang napaisip ako sa sarili ko… gusto ko nga ba ito struggling for any semblance of hope sa ginagawa ko kahit almost alam kong malabo na, or… (sigh)

  4. well kung wala na din naman ako magagawa, i will settle for angelica. at least mahal ako at kung ganyan ba kaganda at ka_____ (hehe), okay na din. pwede na yun! sa sine lang naman ang earthquake-generating love, iba nalang na “earthquakes”, hwekhwekhwek. team angelica tayo.

  5. chrisgel: ang lalim. “struggling for any semblance of hope.”

    jago: nakigamit ka na nga ng laptop, nang-ubos ng pagkain, ambastos mo pa. hay lord.😦

  6. ako…dun ako sa friend ni maricel..if i remember it right, this is the same r.francisco who bared onstage in mbutterfly…yun ang ulam🙂

  7. parang di ko ma-take, levy, na may tinatawag kang ulam. di bagay sa yo eh.🙂

  8. bakit walang option na “wild sex”? mas type ko ata yun eh. hehehe aww pwede bang mag tulpo rine atty?

  9. teka, akala ko ba si Dennis Trillo ang ulam mo forever?! You ha! :-))

  10. kelangan ko lang talagang lagyan ng slash ang pangalan ko… hehe

    sa totoo lang, sa mas jologs kong panonood ng dalawang beses, i cried for ate mary… feeling ko lang dapat siya yung pinili ni aga. hindi dahil malaking bata si angelica but because of how maricel made aga feel – burning with passion. kung hindi ka rin masaya, why settle for someone who’s the more convenient choice.

  11. True love, no questions asked. Maybe a happy ending can follow too after that.🙂

  12. kaya lang naman pinili si maricel dahil alam mo naman ang lalaki…basta bawal/forbidden, yun ang gusto…

  13. selvo – wild sex is always an option. hehe.

    jordan and klang – tama kayo. pero kawawa din si angelica noh? wala naman sya kasalanan kundi magmahal. but maybe if aga had let her go, she’d find someone who would love her passionately and truly. naks. pinatulan ko talaga ang seriousness nyo.haha.

    levy – pero si angelica yung bata at sexy at maganda. yun din ang gusto ng lalaki, kung papasok rin lang tayo sa stereotypes…

  14. ako, gusto ko happy ending… true love? walang ganun! charing lang yun! at most, extended infatuation lang yan… at nagtatagal lang pag innately “in denial” yung isa sa dalawang partido na na-inlove :-))

  15. Jae dear, meron bang truly happy ending if you’re not with your one true love? Seems to me like I’ll forever be wondering, pining, hoping for a second chance, with my once-in-a-lifetime, and this will prevent me from completely accepting the relationship I’m in, and from being absolutely happy and content… There may be times when I could say, okay na to, masaya na rin ako, but I just know that there are moments when, in the midst of seeming perfection — with my current flame and our kids etc., — I’ll remember HIM, and then everything won’t be so perfect anymore…

  16. Bakit dalawa lang ang pagpipilian? Hindi ako maka-relate, hehe!😉

    Naalala ko tuloy ‘yung sagot ko sa bonus question nung Nat Sci 2: ‘Love is….’ (Isinulat ko ‘Love is stranger in reality than in fiction.’)

    Hi Jae!😉

  17. uhmmm the first choice! signal no.10 all the way. life is too short for “passion-less” relationships🙂

  18. arnold: naniniwala pa din ako as true love.🙂

    joan: oo, thats a scary prospect. and then youll end up resenting the person youre currently with kahit wala naman syang kasalanan.

    bonn: hehe, hangover lang to ng A Love Story. Dun kasi, dalawa lang. Haha. Nat Sci. Naalala ko pa ang mga sample exams na may mga stamp na “good luck”, “take care” na mga bears and bunnies. hi din! miss na kita! too bad we didnt see each other again, after that one time in caret.

    claudette: minsan na kakapagod din ang signal number 10. nakakabaha. nakakawasak ng bahay (at buhay). debris all over. at pagkatapos, pupulutin ka nalang sa kangkungan.

  19. sa akin ok lang yung happy ending, na-eventually fine hindi na intense. pero imperative na at some point in time, gumuho tuhod mo sa kanya. otherwise, if you never ever felt that for the person that you’re with, then parang companionship lng yun, di ba? You have to fall in love, or be infatuated at one point or another with him/her. mashadong incomplete if hindi mo nadaanan yun sa taong makakasama mo buong buhay mo.

  20. hmm.. after re-reading your entry, the options pala are be angelica or be maricel. mas mahirap ata yun.. I think I’d rather be Maricel. But then again, at some point (aminin), nakakainggit rin ang mga Angelica na syang inuuwian nila. Hmph.

  21. … na may cute five-year-old boy. that trumps it ata. trumps crazy love and all that jazz.

    or not.

    ewan ko, hindi ko pa din alam ang sagot. kaya ang moral lesson, if you have a chance to be with the person na nagpapaguho ng tuhod mo (at ginuguho mo din tuhod nya) at wala namang impediment (kasi kina aga, meron), go out on a limb and take the risk!

  22. sa true love na ako at once in a life time lang kung sakaling dumating ito. uutot lang ang tao, happy ending na. ang babaw… di ba!?

  23. sheeet. i hate you for even asking the question…

  24. hmm…the memory of a “true” love or an uncertain one? dang terrible choices but if one really had to choose (as if one had the choice since the real option seems to be with the other party), it probably would be better to take door number one since you can at least have the chance of being content later in life. with the second option, the uncertainty would only make you bitter. both scenarios are sad.

  25. i know this is a really old blog, but I still can’t believe di ka “pumatol” nang “tama” sa comment number 12. Duh?!? T-H-E!
    😉

  26. JAE! SUMAGOT KA!!!!! NAPAPALIGIRAN KITA!!!! echo-echo-echo…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: