Posted by: Jae | September 11, 2007

Nakakabagot

  • Ang mga taong makakasalubong mo halimbawa sa Greenbelt tapos ang tanong sa yo ‘kamusta ang kilusan’ with a fist pump in the air sabay snicker? Bakit, mas totoo bang trabaho pag nasa erkon kang opisina sa Makati, nag-eenglish, nagstastarbucks, gumagawa ng pleadings para absweltuhin ang employer na nangtatarantado ng manggagawa? Kung yan ang napili mong landas, fine. May kanya-kanya tayong dahilan. Pero pakitanggal nalang ang snicker. Nakakabagot.
  • Ang mga young doctors na nagmamaganda at kung kausapin ka para kang batang hindi marunong mag-intindi ng simpleng english (“excise — ibig sabihin tanggalin” “ganun ba, doc? pwede ba kitang iexcise?“) tapos makikita mo sa mall kumakain nakasukbit pa din sa leeg ang stethoscope. Baka kasi may mangangailangan ng first aid habang nagfifit ng sapatos? Okay lang naman maging proud na pumasa sa medical board, mahirap naman talaga yun. Pero yung umasta na lahat ng hindi doctor, gusto sana maging doctor di lang kinaya, bad trip eh. Nakakabagot.
  • Ang mga tao na sila na nga ang may kasalanan, aasta pa silang ikaw ang unreasonable. Bakit ba ganun, pag magjowa, andaling makipag-away, andaling maningil, kasi feeling nyo malinaw ang terms at may actionable obligations. Pero pag friendship, apparently ay mas mababa itong antas ng human relations, kaya pwedeng petiks petiks ang approach at maging inconsiderate. At kung maningil ka, sabihin nya sa yo, “hindi ko maintindihan ang galit mo” na may counter-galit pa. Ayos. Buti sana kung may principle of reciprocity. E hindi eh. Kung babaliktarin at sya itrato mong ganun, major major gyera. Nakakabagot.

Bwiset.


Responses

  1. Hey Jae,

    Yung first two issues mo gets ko. Yung third issue mo: Sino tinutukoy mo? Kabarkada ba natin?
    Btw, kailan tayo matutuloy magyoga? I hate to nag pero you promised magyoyoga tayo…i am still waiting for your text

  2. hey monica! binalak ko pa naman na idelete tong post na ito, kasi sinulat ko lang in the heat of the moment. pero since this post marks the very first time na nagcomment ka sa blog ko, ayun, di ko na tuloy pwedeng idelete. actually yung third issue…. IKAW. wehehehe.

    re bikram yoga, next week, promise na talaga. kasi naman, nagyoyoga na ako. i just wanna try out yung bikram trial package.

    oh and charms is coming this october. yehey.

  3. bakit ayaw mo sa snicker? kaya ka nga nasa greenbelt para bumili ng snickers, di ba?

    pero sana sa virra mall na lang. mas mura snickers dun… mas marami pang choices🙂

  4. Gets ko yung 3rd. Lalo na knowing you, you’re always there for any friend — girlfriend or boy friend.

    Pero di ko gets yung reaction nung friend mo na pag sa kanya ginawa major ang gyera. Pag sensitive ka on how you’re treated dapat di ba dapat sensitive ka din when treating others? Di naman ako yan no (paranoid). Haha

  5. nakakabagot nga. i still owe you coffee pala. pampaalis bagot ba. o beer na lang.

  6. taroogs – ayoko ng snickers. puro mani.

    jordan – weh. paranoid. hahaha.

    chrisgel – coffee nalang. para cultured ng kaunti. tama na ang toma.

  7. im sure may isang area ng buhay mo na hindi nakakabagot hehe. joke.

    eto yung totoo kong message: alam mo ikaw kasi, sa kabila ng pagpapanggap mo na asteeg ka, youre just so kind and nurturing. kaya naman, you like to think na sa huli’t huli, the world will be as gentle and as kind as you are.

    for the meantime, ung tatlong taong kinababagutan mo (wala man ako narecognize ni isa), isipin mo nalang na di ka talaga nila kilala. they donot know the real you.

  8. dikit ka din ng “barrister” sa noo mo (mahirap din ang pumasa ng bar exam kasi). ayos lang yan at maganda ka naman.

  9. ella: i don’t know about being “kind and nurturing” (ang sungit ko kaya minsan hehe) and wanting the world to be as “gentle and kind as (i am)”. i guess i just want the people i love to be around when the storms come.

    anyways, salamat sa comment. kahit di mo pa din nagawang hindi manukso sa first paragraph, salamat pa din🙂

    kulas: hehe.🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: