Posted by: Jae | September 27, 2007

“Bondat Peninsula”

 It used to be just my mom. Ginagawa talaga nyang icebreaker-kwento sa mga party yung one morning na sinabihan ko sya na palitan na kaya namin yung detergent kasi nagshishrink lahat ng damit ko at sumisikip.  Pagkatapos lahat na ng tao. Dati, “tumaba ka… bagay sa yo.” Ngayon, nawala na yung “bagay sa yo”. Tumaba ka. Period. Mula close friends from college,  hanggang dating classmates na nakakabanggaan mo sa bar o sa mall hanggang mga blockmates sa law school hanggang mga katrabaho ngayon. Pati mga community organizer may opinyon sa timbang ko. (“bumibilog ka ata, jae”) At sa gitna ng malawakang krisis sa reporma agrarya, nagkapanahon pa ang isang kasamang magsasaka na magsabing, “aba, aba, may tiyan ka na ah.”

Pero pinakaworst talaga yung hirit na “bondat peninsula.” Waaah. Ang yabang talaga ng Cris Bato na yan. (sinong nagpadismiss ng sedition case mo?!? sino?!?! sino??!?! sumagot ka!!!!!!!!) Lahat sila mayabang. Kala mo hindi malaki ang tiyan. Hmp. Isang tao na nga lang ang katangi-tanging naninindigan na seksi pa din ako,  lasenggong singkit pa — malabo na ang paningin.

Bakit nga ba ang laki-laki ng issue ko. Kasi nga, as Dianne put it, “protected asset” ko ang kapayatan. All throughout high school and college, kahit gaano kalakas kumain, waifish pa din ako. Nung college nga ako, may isang nagdescribe sa akin pagkatapos ng isang debate sa Malaysia ata na “she’s a slip of a girl who packs a big punch.” (Sa tagalog, payat na, may wapaaaak pa!) Hindi naman ako madalas nakakarinig ng mga ganun, kaya nahappy talaga ako. Ngayon, wala na tatawag sa aking slip of a girl. Girl who slips, pwede pa. (shit ang korni).

So dahil malaki talaga ang impact ng “bondat peninsula” hirit, nilalaunch ko na ang “Oplan Seksi.” Ginulo ko si Golda sa mula sa kanyang soul-issue and life-commitment para hingiin ang kanyang South Beach diet plan na naging susi sa pagwala nya ng 15 pounds in 8 days nung nasa law school pa kami. Mag-eenrol na din ako sa gym at magwoworkout at least three times a week, to accompany yoga na twice a week.

Pero mehn, ang sarap talaga kumain. Kahapon, nasa congress ako para sa isang legislators meeting, ang sarap ng beef (melt in your mouth and marbled, yum!) at fish fillet in mango sauce. Nakatatlong balik ata ako at pinitik ko pa yung fruit salad ni Kit. Tapos nung gabi, nilibre ako sa Japanese restaurant, tumira ako ng uni sashimi, salmon sashimi at beef gyuniku. Pag libre talaga ano, either 1) mas kaunti sa normal ang kain mo (kung mahiyain ka), or 2) mas madami sa normal ang kain mo (kung walanghiya ka). Obvious naman kung saan ako nakabalangkas.

Pero dapat wala nang ganyang excuses. Time is of the essence. May kasal akong pupuntahan sa October at kailangan maganda ako sa gown ko. Sa December pupunta akong Boracay at kailangan walang umaapaw na taba sa binabalak kong suotin na haliparot na bikini.

Sabi ng article sa isang self-help book na nakakalat sa lounge ng doctor’s clinic, dapat picture your goal. So eto ang goal ko. Dapat in one month, ganito  na ulit.

goal.jpg

Payat Jae in a (not-so-haliparot) bikini. Those were the days my friend… I thought they’d never end…..😦


Responses

  1. Hokey…(deep breath) let me be the first fat guy to say this… Taena, hindi ka mataba! ano baaaaa?!!!

    Ang mataba lang sa iyo ay ang Puso mo…. ang mabilog lang sa iyo ay ang Personality (well-rounded ba.. shet. korni din) mo… ang lumalapad lang sa iyo ay ang iyong Kaalaman… ang… ang… ay teka… lumang piktyur na pala to… wala pa yung TIYAN mo!🙂

  2. hi jae. well, you could try running. kahit sabihin mong di mo kaya, all it takes is just the right attitude and training. when i began running, i was usually exhausted after three rounds of the up acad oval. but the more you do it the more your body learns to adapt. just get yourself a good pair of running shoes, like new balance or mizuno. try one round of the oval. yun muna, ganun muna kasimple. later on lalakas ka din.

    or try other sports to complement our yoga classes. try badminton. or tennis. just get off the couch!!!

  3. Ang masasabi ko lang, Jae, kahit hindi pa kita nakikita in months, naniniwala akong hindi ka mataba. My gawd, kung ang tawag sayo, bondat, ako ay isang certified diseased person, with obesity!!!! Hindi ko ito matatanggap, hindi ito maaari, kaya… Jae, hindi ka mataba!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Pero Jae, pagpunta mo sa Boracay sa December, mag-contacts ka na please, mas maganda ang walang salamin sa beach!!! Show off your eyes too!🙂

  4. naku jae, di kita maimagine na bumilog. samahan kita magpapayat. 2weeks na panay pizza, resto food, fastfood, at walang katapusang kain…

    grabe talaga si golda… ang kanyang life-commitment ay inspiring talaga. sabi nga, it’s when you put your heart in what you do and believe in what you think and say full-heartedly, you become truly fearless.

  5. akala ko pa naman na ang seksi ng mga hindi naka harap. mas seksi pa pala yung isa na naka harap. way to go ‘day.

  6. ito ang mga panahon na tatabi ako sandali sa isang sulok, kakalimutan na kaibigan kita, at.. ***snicker, snicker..

    misery loves company. bondat peninsula..

  7. taroogs – heh. gumatong ka pa.

    vince – sige sama ako sa yo pag magjog ako. kaso id probably hold you back. hehe. lampa ako eh.

    joan – nyar. fit ka kaya. wala kang bilbil. and oh, vivacious-flirting-machine ka, kaya nga humihingi ako ng advice sa yo kasi bano ako. tinatamad ako magcontacts noh. kaya iwawaive ko na ang sexiness factor pagdating sa mata.

    chrisgel – si golda ay proof positive na its not simply about fighting the good fight, but fighting the good fight WELL. grabe magresearch. astig talaga. at ikaw din! buti nalang kayo na ang nasa policy development. di ko talaga yan masakyan. maglilitigation ako forever. mas gusto ko ang courtroom any given sunday, preferably sa mga madidilim na sulok ng pilipinas.😀 susuportahan ko nalang kayo. hehehe. at papanoorin kayo sa tv. at itetext pag masyado nang oily mga mukha nyo. wahahaha.

    kulas – ngeeee. salamat po, sa pambobola? hahaha.

    medianne – pumayat ka lang yumabang ka na. hahahaha.

  8. oist, napadala ko na south beach link.mayghad, kill that bilbil now kasi ang hirap nya tanggalin!!! waaah.buti na lang meron akong JPEPA-induced weight loss.

  9. jae, try mo muna magisa, para di ka dyahe or pressured. kahit brisk walking lang. basta engage in a lot of activities.

    go asian. try sungka — it exercises your wrists. sepak takraw meanwhile, wakes up the lazy bones in your legs. if you want to build upper body strength, try rowing.

    kaya lang parang di bagay sa yo mga to… ano ba pwede sa yo knowing you…. hmmmn. badminton!!!!!!!!!!!

  10. vince – nagenroll na ako sa gym just this morning. yey.🙂 ang saya.

  11. uy nice!! lemme know how it turns out. kuwento mo kung anong program binigay nila sa yo. upper body ba? i just might sign up din. 😀 gudlak talaga, kahit dinelete mo comment ko sa kabilang article! bwahahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: