Posted by: Jae | October 21, 2007

Featured Friend(s) of the Week, Week 2

Madaming mukha ang aktibismo.

Kaya dalawang tao ang Featured Friend of the Week ko. Yung isa lead counsel ng Magkaisa Junk JPEPA, abugadang taga-UP, hindi nakabalangkas sa anumang leftist organization, hinubog ang pananaw sa mundo ng magulang na matino at matapat. Yung isa, college pa lang, aktibista na. Hinampas at na-water cannon ng di na mabilang na pulis sa di na mabilang na rally. Miyembro ng Akbayan at ng Freedom for Debt Coalition. Yung isa, laking Dumaguete; yung isa naman laking Maynila. Yung isa, jogging, makeup, at computers ang gimik; yung isa naman, beer, awit at gitara.

Pareho ko silang close friends, etong si Golda at si Emman. Si Golda — kabatch sa law, ka-opismate, ka-hati sa internet cable, ka-chat sa YM hanggang hatinggabi. We can talk about everything, from tariff lines to early facial lines (olay lang yan) to confusing male lines to knowing our bottomlines. Kahit anong oras. Basta may YM. Si Emman naman — kainuman, confidante, constant text mate, ka tag-team, kaaway (minsan). Magigising ng hatinggabi para pakinggan kang umiiyak. The older brother I never had.  

Two activists I greatly admire, and two people I dearly love.

—-

Legally Blonde, by Golda Benjamin 

Siguro alam nyo na ang pinagagawa ko for the past month. Di na ako masyadong natutulog.Di na ako nakakapanood ng sine.Di na ako nakakapunta sa Gateway para tumunganga at kumain sa Taco Bell.

Mahirap man ‘to, di ako susuko.Para sa bayan ‘to.Kahit magdala pa sila ng isang batallion ng mga “experts” dun sa Senado, kebs ko ba sa kanila.oi mga kuya at ateh, mag-aral naman kayo.Wag nyo gawing poker ang future ng bansa na ‘to.

Kahit anong pressure ang ihaharap nyo sa akin para tigilan ko na ‘to, wow dudes and dudettes, you’re wasting your time on me, mehn.I’m 27 years old. My reservoir of idealism is full, thank you very much.

Kahit sobrang late na ako pumasok sa kampanyang ito, kakayanin ko ang lahat ng trabaho, ang sandamakmak na papel na kelangan aralin. Alam ko na gagawin ng ating mga Senador ang tama. Sabi nga ni Golda Meir: “Don’t give up hope.Don’t believe that everything is judged only by expediency.There is idealism in the world.”

Teka tama na muna ‘to.Baka maiyak na ako.Pero seryoso, nakakaiyak talaga ang ginagawa ng gobyernong ‘to sa bansa natin. Insert nationalistic song here.

Kelangan ko ikwento ang mga nakakatuwang moments sa commitment na ‘to.

1. Unang hearing, bad mood ang taxi driver. “Ma’am, bumaba ka na lang sa Ortigas at mag-MRT. Trapik kasi masyado.” Hay, manong wag naman po.Sandamakmak ‘tong babasahin na dala ko.Nakaheels pa ako, a major deviation from may tsinelas life.8:20, natanggap ko ang official invite to the hearing.Wopeee.At dahil narinig ni manong ung senado, hearing, etc, agad nyang tinanong: ma’am, may problema ba?Kelangan mo ba talagang pumunta sa Senado?

Me: oo, manong.Kelangan ipagtanggol ang bansa natin.[wahaha, oo sinabi ko un.And I meant it!]
Manong: Teka ma’am, wag ka mag-alala ma’am, hahanapan natin ng lusot ang trapik na to!

At 9:15 am, nasa harap na ako ng Senado.Ladies and gentlemen, yan ang Pinoy na mahal ang bansang Pilipinas. Pagbaba ko ng taxi, alam na ni Manong Jun kung bakit dapat nating tutulan ang JPEPA at bakit naniniwala ako ng ipagtanggol tayo ng ating mga Senador.

Sana nag-info dissemination si Manong nung araw na yun.

2. Nung second hearing, may dala akong post it.Na pink. Na matingkad na pink.Ultraelectromagnetic pink.Que horror.At ang tagal ko na realize na pink un.Binilisan ko na lang itago.Hoy ineng, nasobrahan ang kakikayan mo!

3. Narealize ko lang, ang daming sinunggaling at hndi nag-aaral sa mga pro-JPEPA panel.Hoy mga ateh at koyah, wag nyo gawing sugal ang kinabukasan ng bansa natin. Gaddamit, kala nyo wala kaming internet at wala kaming pangresearch tungkol sa mga kasinunggalingan nyo? Gaddamit mehn, oo mejo wala na kaming pera pangxerox at pagkatapos ng hearing, Chowking lang talga kami kumain habang kayo ay may mga closed door meeting sa Shangrila, pero dude nag-aaral kami! At ang kakapal nyo, binibenta nyo na nga ang bansa natin, ginagamit nyo pa ang pera ng mga Pilipino para sa mga caffe latte nyo!

At hmph, walang kayong fashion sense!Grrr.

4. Binasa ko talaga ang Senate rules bago maghearing.Kasi ano bang alam ko sa Senate hearing, aber.Eh court hearing lang napuntahan ko.Buti na lang, nasa tv ang iilang mga hearing sa Senado.Kaso lang di tlga pinapakita kung ano ang dapat gwin kung habang naghehearing….gusto mong mag-CR. Panic mode ako nung 3rd hearing.Pucha, ano ba to? Dapat ba akong magmotion? Hmm, madam chair, may I go to the comfort room? Ngeks.parang grade 2.Buti na lang sabi ng isang staff dun, pwede daw lumabas,basta mabilis lang.Whew.Buti na lang hndi ako nagmotion.

5. At ito ang pinaka-importante kong discovery: nasa senado ang fountain of youth. Ito exercise, tingnan nyo lahat ng senador at hulaan nyo ang age nya. Promise, mali ung magiging sagot nyo.I swear may secret moisturizer sila. Si Senator ___ na idol ko na ngayon [unless magvote siya ng Yes-kung ganun, isusumpa ko siya forever!], mehn, wala siyang wrinkles.Feeling ko may Senate health camp pag summer.They get in shape, they eat well, they cleanse, tone, and moisturize.Tapos si Senator ___, wow, pag nagtanong, gusto ko na lang lumuhod, sabay Im not worthy.

6. Ang bagong abogado, meron yang remnants of a law school fan girl. Yung mga type na sobrang happy pag may picture with Jovito Salonga. Or kung pupunta sa ibang bansa, magpapicture sa mga Supreme Court buildings. Yan ang feeling ko esp nung last hearing. Pramis, sinara ko na lang laptop ko at nagfrantic note taking.4 na senador in brilliant display of intelligence. Pucha, may internal song ka tlga bgla. Mabubuhay ulit ang faith mo na kahit inaapi tayo sa maraming aspeto, these people will defend us.This country will not fall apart despite the lies and the mistakes that many of our so-called government “experts” have committed.Oo, alam ko, parang ang naive ko tlga paminsan-minsan. Pero I’m too young to lose hope.Today or any day soon is not and will not be the time for me to give up.

Ok tama na.Kasi kung dudugtungan ko pa yun, maiiyak na ako.Wahaha.

Hay, sana makapaglatak na ulit ako.Sana matapos na ‘to.

Salamat sa lahat ng mga kaibigan ko na tuloy-tuloy pa rin ang suporta.To my kick-ass family who constantly remind me that yes, idealism is not a crime.

Ayun, kelangan ko na istalk si Senator __ para malaman kung ano ang moisturizer nya.

Ten Years and Still Angry, by Emmanuel Hizon

Ten years ago, I feel so invincible and indestructible. No baton, shield or threats of incarceration can break us. They will never break us. Not the hypocritical school dictator, not the local police, not even feudal god himself. We paint the town red, crimson red, scarlet-like, warning the unrepentant, giving notice to the coming. Words were shouting, written, angry, splattered on ugly Manila walls, reeking with piss and shit. Words, though sometimes alone, were never really alone. A reminder that the imperishable remain imperishable and unconquerable.

Ten years ago, I feel I can take the whole world, deny it and refuse it, rip it apart, rip it to pieces and rip the rotten cadaver out of its propertied soul. I scream so loud that no boundaries can limit it, no stupid blog can confine it, no restrictions and imposed margins can scare or mellow it, no politician can interpellate it.

Everyday for the last ten years, I can hear my scream echo in every street corner, in every diploma mill, in every factory, in every music and poetry, joining with other screams, with other roars, flirting with peril, like a bullet forever on a ricochet, coveting the impossible, demanding the unattainable, celebrating the orgy of the great unwashed.

Now, I’m 29 years old, ten years after. I’m sitting on the edge of the cliff, pondering, wondering, looking. Was it all worth it? Do I still feel unbreakable, undying and unyielding?

“It is always raining in my mind.”

Was it all worth it?

You bet it is. And we are just warming up. Hear us roar louder. We will spit on the cradle of this ‘new democracy’ and mock it again and again. We will never be satisfied. We will never be contented. Yes, we will destroy your ‘world’ and build a new one instead.

Screw you. We’re still here.

Emman Hizon, 29, and still angry.


Responses

  1. para kay emman: was it all worth it? sana mas madaming Oo na sagot sa tanong na ‘to.para kahit 80 na tayo, pwede pa rin natin sabihin: screw you. we’re still here.

    jae: naks, featured friend? salamat.pasensya na kung na-uusurp ko ang cable sa office.must remain connected kasi itong kaibigan mo.salamat sa mga text at comments sa blog.sana makasama na rin ako sa analog sessions.teachers village queen ako pero di ko pa napuntahan un! shame on me!serious part: nung nagOLA tayo, tinitingnan ko na kung sino sa batchmates natin ang makakasama ko sa unpopular choice of Not goin to a lawfirm.Isa ka sa dalawang tao na naisip ko.And nagmatter un kasi alam ko noon pa na kung kaya mo gawin un, kaya ko din.And here we are. And i must say, we can do this.do this well.wag ka na umangal.Feel na feel ko ang comment na ‘to.

  2. […] JAE FEVER wrote an interesting post today on Featured Friend(s) of the Week, Week 2Here’s a quick excerptFeatured Friend(s) of the Week, Week 2 Posted by Jae on October 21st, … gawing poker ang future ng bansa na ‘to. Kahit anong pressure ang ihaharap nyo sa akin para tigilan […]

  3. […] JAE FEVER wrote an interesting post today on Featured Friend(s) of the Week, Week 2Here’s a quick excerptFeatured Friend(s) of the Week, Week 2 Posted by Jae on October 21st, … gawing poker ang future ng bansa na ‘to. Kahit anong pressure ang ihaharap nyo sa akin para tigilan […]

  4. wow astig. featured friend ako. ayos. salamat jae.

    Golda: Yes.it was all worth it. Its like living two to three lives all at the same time. Pero sa dulo, mas gusto ko sabihin sa nalalapit na panahon sa powers that be na: SCREW YOU ALL. WE WON.

    : )

  5. golda: haha, go lang sa feel na feel. buti nang feel na feel kesa lukewarm.🙂 tara sa analog. hehe. just say the word. pabili na tayo ng internet cable. para hindi tayo nag-YYM ng madaling araw kung sino magwowork at home at sino papasok. harharhar.

    emman: booooo. hiningi mo e. pinilit mo akong ifeature kita. bwahahaha.

    golda and emman: yiheee.😀

  6. uy sya yung lagi kong nakikita sa ANC ;)) asteeg! Junk JPEPA!

  7. si Emman naman ay ang genius behind the Admin Fronts na Party list noong eleksyon. Mabuhay!

  8. Hahahaha, Golds, do you remember our conversation with Jae habang nagkakape sa C3 re: Bondoc Pen? We were thinking of putting up our own firm pero ang most important consideration for hiring (other than having the same advocacies, op cors) ay, kelangan may fashion sense? Ahahahaha! Siguradong hindi maiimbita yang mga yan sa ating law firm, no-no-no!!!

    So proud of you, Golds, alam mo yan.🙂 At wag itago ang shocking pink post-its. Walang pakialamanan ng post-its. Akin shocking blue.🙂

    P.S. Nagka-episode na din ako na ayaw ako ihatid ng taxi driver sa UP galing makati, mag MRT na lang daw ako. Nag-offer na ko triplehin ang bayad eh ayaw pa din. Sigh, iba talaga charm mo.🙂

    Emman, hindi ko sigurado kung na-meet na kita, pero saludo ako sa yo!🙂

  9. first time ko pa lang na nakabasa ng post ni atty golda (“friends only” kasi yung blog niya :-)) pero if this featured post is any indication, i’m really missing out on a lot of wisdom! thanks atty jae for sharing this with us.

    si emman naman, regular visitor and occasional commenter ako ng blog niya.

    hmmm… bagay silang dalawa.🙂

  10. s3lvo: haha ANC appearance.magaling mga make-up artists nila dun.

    joan: waah tnx for the support.oh, kelan na ba tayo gagawa ng dream ngo na yan? na papasok tyo na maganda ang make-up.yehey.so ok lang ang pink na post-it.noted.

    taroogs: magandng comment tapos bglang matchmaking? ang galing tlga ng blog ni jae. may built-in dating and matchmaking service itoh.

  11. Ang galing naman. Thanks for the inspiration. Inspiring talaga; more than enough reason to keep us going and look forward to social change. And change, after all, is generational. I’m proud to say: generation ko ito!😉

    I’m pretty sure I’ve met Golda during CSSP days; pareho kami 27. Emman? Never mind – 29 na raw eh, malapit na sa bangin. Hahaha! Pero, napaisip ako, sampung taon ko na pala kilala itong si Emman, BOS batchmate ko – ‘lang hiya, ang laki na ng utang natin sa butaw, since 1997 pa!

    Was it all worth it? Not ‘all’ siguro kasi may regrets or past mistakes na kasama talaga sa buhay. It’s up to us now to remember what has made life worthwhile; and forget past mistakes that have once stolen our dreams. Pero, siyempre, every thing/moment adds up to our life experience!

    And I know it’s worthwhile knowing you, people who never ever give up the fight. Fight on, fight harder because if we ever give up idealism this world will be far worse off. As Margaret Mead put it: “Never doubt that a small group of thoughtful, committed citizens can change the world. Indeed, it’s the only thing that ever has.”

    Mabuhay kayong lahat, fellow travellers!

  12. Hoy Bonn! nagbabayad ako ng butaw. Ikaw yata ang hindi. hehehe Pero tama ka Bonn, malapit na sa bangin. konting tulak na lang and i’ll be writing something like 30 is the new 20. Not. : )

    E


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: