Posted by: Jae | October 25, 2007

Bondat Peninsula No More

Nung nasa Dumaguete ako, nakabili ako ng jeans sa mall. Dahil tamad ako to go to the fitting room (brownout kasi), I grabbed yung isang size 26 at tumakbo patungong counter. Size 26 naman ako forever. As soon as I got to the hotel, sinukat ko agad sa banyo. Inannounce ko pa kay Karl  na I have a new pair of jeans. But no. Ni hindi man sya umabot sa waist. Sabi ni Karl patingin daw ng jeans on me. Dali-dali ko tinanggal at kunwari wala ako nadinig. Major bummer. Crisis of (self) confidence itoh.

But now…..announcement please…. ahem, friends and comrades, fi-nit ko na ulit ang Dumaguete jeans, and what do you know — kasya na sya. Of course medyo too snug pa sya to be really comfortable, but hey progress pa din yun. Yahoo!!! Good riddance, suman thighs and jiggling bilbil!!!! Me and my body are destined for glory!!!😀 (hehe, labo, mehn).

And of course this is really thanks to my bonggang-bongga fitness regimen. Yes, people, serious talaga ako. I am throwing my heart and soul into eradicating my nasty bilbil (di ko kasi pala kaya ang rural poverty..hehehe).  Medyo nasira lang last week because I had to go to Iloilo for work and syempre super sarap ng lahat ng bagay dun. At dami ko tinirang oysters, scallops, fish, litson. Nung Saturday naman, wedding ni Nina, e sino ba ang tatanggi sa buffet spread ng Manila Pen?

Happy din ako sa pg-gygym. Tinatry ko na araw-arawin. Except on yoga days, of course. I’m starting to get the hang of it. Ok pa yung instructor. Madami may gusto dun sa isang instructor na pogi, pero ako favorite ko si Leo. Kasi ayoko talaga ng feeling gwapo. Ang nakakatawa lang dito kay Leo may political insights sya habang tinotorture nya ang aking katawan sa abdomenal crunches. Pakiwari ko it started nung nakita nya ako naka-Akbayan shirt.  Tipong, “ok, fifteen more counts, left elbow to right knee, palagay ko si gloria talaga may kagagawan ng glorietta bombing…” At habang binabatak-batak niya ako para magstretch, pinaguusapan namin ang laganap na katiwalian sa pamahalaaan.

Yesh, hindi po totoo that gym instructors are man-ditzes.

But I digress. This is about me and my road to fitness and sexiness. I can feel it, I’m getting there. Kaunti nalang talaga. I’ve also stopped drinking beer. Well, except for Friday night in Iloilo and nung uminom kami ni Emman two days ago ata yun sa My Brother’s Moustache. Sa Iloilo kasi, nilibre lang ako nung taga FDC-Iloilo. At nung sa My Bro naman, no choice, beer lang ang mura. If I can help it, pinipilit ko na sa Analog ang inuman. Kasi at least may brandy dun, one shot, okay na ako. Social drinking lang. Eh minsan, gusto nila sa Taby’s.  Kahapon nga, nagpunta ako sa 70’s Bistro with some Bondoc Pen peeps, dalandan soda ang tinira ko the whole night. Mamaya, magyayaya sa Analog si Arnold. Pineapple juice oorderin ko. Haaay. Such self-control. If only I can make it apply to other areas of my life as well. Wahahaha.

So dedma na sa lahat ng tao na pinagtatawanan ako sa pag-gygym. Sa pakain-kain ng salad. Sa aerobics lessons. Yari kayo lahat sa akin. Sa akin at sa aking washboard abs. Move over, Jackielou Blanco.

😀

 Hahaha. Talagang binasa nyo hanggang sa dulo. Isa nanamang walang kwentang blog entry. Nawantutri ko na naman kayo. Bwahahaha.


Responses

  1. sino kasama mo sa boracay?

  2. sina bheng, yya, rache. mga blockmates.🙂

  3. early pronouncement yata ito. hehehe

  4. ang yabang mo din ano, emman. e sa pumapayat talaga ako. at ikaw din naman ang maysabi na okay na naman ako at wag na ko makisawsaw sa gym craze.

    huuu, nagbabayad daw ng butaw. :-\

  5. yan naman ang mapapatotohanan ko — na pumayat na nga si jae. kanina kasi, pumasok siya sa room namin at bigla ba namang humirit ng, “arnold, wag kang lilingon… magbibihis ako at may tao sa cr…”

    asteeg, di ba? so shempre, i did what all decent guys would do — hindi ako lumingon.

    e bakit pa ko lilingon gayong naka-reflect naman siya sa monitor ng pc ko?🙂

  6. Talaga noh! problema ko ba kung minsan ay ayaw maningil? hehehe

  7. arnold: kung hindi lang ikaw yan, nireject ko na comment mo. hahaha. anuba. kadiri ah. euw.

    emman: pag-usapan ba ang butaw sa blog. baka kala ng mga tao, 10% ang butaw natin. parang kulto. hahaha. 1% lang po.

  8. waaah pumapayat ka na.habang ako, lumamon ng isang pack ng cookies and cream polvoron.hay.

  9. Too early to celebrate…. Wait till Pasko (puro party sa NGO villages!) at New Year…. Naka-wantutri ka nga ah. Haba ng entry na ito, mahirap talaga magsulat ‘pag kailangan ng depensa! :p

  10. hi bonn. oo nga, andaming kainan at inuman sa mga NGO christmas parties. bihira talaga ako malasing na close to passing out, pero the two times that happened to me, CARET christmas party yun. hahaha.🙂 sana andito ka sa pasko to be part of the round of holiday festivities.

  11. Hehe! Ako rin, isa sa mga paborito ko ang CARET Christmas party, lalo na kung magdala mga kasama sa kanayunan, mga magsasaka’t mangingisda – fresh na mga isda, seafoods, gulay, etc! Nagugutom tuloy ngayon…. Paskong pasko na ako!

    Yes, I’ll be home for Christmas – in time rin siguro para sa birthday ni Gary D at Aaron M, at Tos A na rin. Tuloy ang Pasko kahit ma-erap man at hindi ma-gloria sa mga panahong ito. Pasko ng masa, mga mulat na masa na magsusulong ng pagbabago ay walang kasing saya!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: