Posted by: Jae | December 16, 2007

UP Kong Mahal

I’ve lost count of the number of text messages I got that night, all on the same subject. “Asan ka? Pupunta ka bang UP?” From Journ friends to DebSoc friends to law friends — it seemed everyone was in the Diliman campus that Tuesday night, eagerly awaiting the kick-off ceremonies of the UP Centennial celebration. And where was I? Grumpy, bored and stringy-haired inside a bus from Bondoc Peninsula.

“Dahil naman sa UP kaya ako andito ngayon at pinagtatanggol ang hanay ng magsasaka.” That was my text to a friend.  

“Weh. Inggit ka lang.” That was his reply.

Oh well, huwatever. There will still be other celebrations this year. And I did order that UP Centennial planner, which will of course arrive in February. And which of course will cost me P500.00. Sigh. Ang mahal di ba? See, if I sat on the Centennial Board, sasaggest ko talaga na yung mode of acquisition pareho nung sa  Starbucks except that to get the UP planner, you’d need to get a sticker from pre-selected “iconic” places in UP. Like one sticker for a tapsilog meal in Rodics. One sticker for an Aristocart dinner.  One sticker for a glass of refillable iced tea at Chocolate Kiss.

Hay naku, I swear, no one asks for my opinion in these parts. *insert deep dramatic sigh*

 (And THAT’s why the theme of the UP Carillion is “The bells…. the bells… someday will be music to our ears…..” Sheht, mehn.  profound. Nakakaiyak. One hundred years of producing the country’s best literary talent and we are stuck up “the bells… the bells… someday will be music to our ears….”)

But let’s not be nega. I heart UP. Super duper. Eight years of education. Six thousand a sem. Two degrees. Two boyfriends. Five unos. NO singkos.

And one survey that I copied from a college friend.  Hehe. All together now… UP naming mahal, pamantasang hiraaaang, ang himig namin, sana’y iyong dinggin….. malayong lupain, amin mang marating, di rin magbabago ang damdamiiiiiiiin… di rin magbabago ang damdamin…….

sablay.jpg

1. Student Number? – 96-09617.

2. College? – College of Mass Communication and College of Law

3. Course? – BA Journalism, Law

4. Nag-shift ka ba o na-kickout? – Parang yan dalawa lang ang options haha. Nag-shift ako. From Philo to Journ.

5.  Saan ka kumuha ng UPCAT? – Ang weird, hindi ko maalala. Pero kung saan man yun, hindi ko na yun napuntahan ulit nung student na ako. The entirety of that eight years. So  that means sa Engineering siguro, or Stat. Or Home Economics.

6. Favorite GE subject?
~ Comm 1 at Hum 1. Lahat ng may writing writing chorva.

7. Favorite PE?
~ Cheerleading. Hehe.

8. Saan ka nag-aabang ng hot babe/men sa UP?
~ Yuck. Hindi ako nag-boboywatching. As in, I dont have a single memory of every doing that, “nag-aabang”. Bata palang ako, gusto ko na ng brilliant sexy writer bad boy. Hindi mo naman malalaman na magaling sila magsulat pag natatanaw mo lang sila. Pero in general, yung mga boyz na trip ko nasa fine arts o CAL o music.

9. Favorite prof(s)
~ Hmmm. Sa undergrad, mga teachers ko sa writing-related classes. Si Maam Malu Mangahas, si Maam Encanto. Ang di lang writing related, si Dr. Lallana sa Soc Sci 2. Sa law, si Marvic Leonen at si Teddy Te at si Dan Gat. Yung notion of demystifying and unmasking the law, sa kanila namin natutunan. Kung galing lang at wala nang ideological mooring, si Prof. Jacinto sa Corpo.

10. Pinaka-ayaw na GE subject.
~ Hum 2. Kasi di ko sya naaalala at all. 1/4 of the sem lang dumating prof namin. At Comm 2. Dahil… wala lang.

11. Kumuha ka ba ng Saturday classes?
~ Oo. Kasi sa Journ, madami kaming mga prof na may day job, so no choice. Tapos nung law, malimit na friday walang pasok, pero may pasok sa saturday.

12. Nakapag-field trip ka ba?
~ Yepz. Sa Mount Banahaw. 2nd year ata kami. Memorable sa akin kasi nagkahypothermia pa ako.  Tapos kailangan ata ng body heat, so kinelangan akong yakapin nung isang mountaineer guide na higher batch. Medyo malaki syang tao, at nagkaron talaga ng moment na feeling ko hindi nga ako mamamatay sa lamig, sa asphyxiation naman.

13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
~ CS ata. first year lang. kasi ung whole block namin binigyan ng uno sa Kas 1 dahil nagperform kami sa Intramuros, tapos tamang-tama binigyan din ako ng uno ng teacher namin sa Comm 1 dahil ako lang ata sa buong klase ang nakapagsabi na ang tula ni ee cummings na “she being brand” ay tungkol sa sex.

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
~ UP debate society!!!! at up journ club.  Nung law, Winlaw and my favorite law org, PVO.

15. Dorm, Boarding house, o Bahay?
~ bahay. nagboarding house lang ako nung nag-aaral sa bar. at dahil dun, mas lalo lang ako lumakas uminom.

16. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
~ Journ talaga. I love my course. Siguro pwede ding creative writing.

17. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
~ sina Clarissa at Elsa. Kagagaling ko lang sa chicken pox nun, two weeks ako absent sa class. So much for making a good first impression.

18. First play na napanood mo sa UP?
~ Lean the Musical. O di ba? Auspicious.

19. Saan ka madalas mag-lunch?
~ Katag, Beach House. At kung rich, Chocolate kiss. Nung law school, Mang Jimmy’s at si Mommy Thai na nasa Balara pero wala na ngayon.

20. Masaya ba sa UP?
~ super! psychedelic ride. saya ng inuman, ng pag-eexperiment, ng learning to think out of the box.

21 . Nakasama ka na ba sa rally?
~ oo naman.

22. Ilang beses ka bumoto sa Student Council–
~ every year.

23. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
~ hindi eh. hindi ako model student.

24. Kung di ka UP, anong school ka?
~ wala. UP lang talaga. joke lang. ateneo siguro or ust.

25. Nagkaboyfriend ka ba sa UP?

sino ba hindi? harhar.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: