Posted by: Jae | February 6, 2008

Isang Blog Entry na Malupet

Sa dami ng mga stress ko sa buhay at sa trabaho, hindi na dapat makadagdag sa stress ko ang hindi pagsusulat ng bagong blog entry. Eh ano naman kung ang laki ng intervals between entries? Eh ano naman kung yung best friend ko ay bigla nalang blog ng blog? Eh ano naman kung ang latest entry ko ay youtube na Sesame Street (kasi nga naman pang-sesame street ang blog ko, mababaw lang palagi…) na cut and paste lang at walang kaeffort effort?

Feeling ko ang banu-bano ko these days. Wala talaga ako masulat eh. Ano ba susulatin ko? Yung nangyaring elite-cockfighting sa mababang kamara nung Lunes? Siguro naman kilala nyo na ako at ma-aanticipate niyo na opinyon ko at pag maglabas ako ng entry in serious english (the withering — nay, the decay — of our democratic institutions shpluk shpluk shpluk) may hihirit sa akin sa YM ng “ang haba ng sinulat mo, di ko natapos, sulat ka nalang tungkol sa mga ex mo.”

Pero ano na ngang topic? Ash Wednesday? Kung Hei Fat Choi? Valentines day?

Ewan ko. Slightly malungkot ako at slightly lutang. Had an argument over the weekend that I’ve yet to recover rfom. Parang yung feeling after napadami ka ng tira ng mami sa Kowloon House at nagoverdose ka ng MSG. May bulak sa ulo. Ayun, wala akong masulat ng matino, kasi nga I feel so unfocused. Haaaay.

Share ko nalang text ng high school teacher ko, yung nabanggit ko dati na lagi nagfoforward ng mga messages sa akin (at marahil sa lahat ng dating estudyante niya na may number sya — nakaUNLI siguro. haha. masaya ang unli. UNLI in the pilipins. labo, mehn. see? lutang.) Para may saving grace naman tong blog entry na ito at may kaunting literary flavor. He sent this, I think, this morning. Habang nagtetreadmill ako.

(Commercial break: ang sarap mag-gym ng early evening. Kasabay ng Wheel of Fortune ni Kris Aquino. Sabay sabay kayo nasa elliptical machine, isang hanay, tapos contest kayo sagutin yung mga tanong Kris. Syempre, dahil ako ay ahem, isang PROMIL CHILD, ako lagi una nakakahula. At sasabihin ko ng malakas ang sagot, i.e., “SHEHT! Siamese Fighting Fish!!” Minsan may kasama pang ‘tanga’ hurled towards the contestant. Ie, “SHEHT, Siamese Fighting Fish…. TANGA!” Oh yes, ako ang Wheel of Fortune Queen ng Better Bodies Gym, Matalino St., Barangay Central, Quezon City.)

Teka, mabalik tayo sa quote. Sa ating literary nugget in 160 characters.

“The best thing, though, in that museum was that everything always stayed right where it was. Nobody’d move, nobody different. The only thing different is you.” – Holden Caulfield. (JD Salinger, Catcher in the Rye).

O-ha?

* * *

Kung Hei Fat Choi! Lapit na midnight. Sabi ng officemate ko, dapat daw magsuot ng red na panty at the stroke of midnight. Gusto ko lang sabihin, hindi pala gumagawa ang so-en ng cotton granny panty na ang kulay ay crimson red. Kasi naisip ko, malamang natutulog na ako nun, so dapat yung komportableng panty. But no. Di pala pwede ganun. Bakit? Bawal ba magsuot ng hot sexy red ang mga manang na madaling magka-kabag pag nilalamig ang punson? Mali yun. Everyone has a right to red.

Lupet. Ang profound ng insight.


Responses

  1. basta may “piercing” ang punson ay ok lang na magsuot ng hot sexy red. ;p

  2. hindi naman puson mismo ang nilalagyan ng piercing, kulas. kundi bellybutton. :p

  3. i settled for the middle ground you see. ;p

  4. Promil child —- di yan pro-breastfeeding!!!!!😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: