Posted by: Jae | July 13, 2008

Rambling Thoughts

* Warning. This entry will bore you if don’t know how important my work is to me, have no inclination towards agrarian reform or alternative lawyering. I’ll write something more “universal” soon. Gusto ko lang ito ilabas. This is long and rambling and without regard for the rules of language.

“Why do you need to do it?” my friend Gary asked me one rainy night in Anonas, perhaps Wednesday of last week. We hadn’t gone out in quite a while; and when he invited me to dinner, I saw it as an opportunity to run my idea by him. He always asked the provocative questions; and that night was no exception. I immediately understood the nuance in his question: not “want”, but “need”.

“Bakit kailangan mo maging C.O. (community organizer)?”

The essential answer of course is that I feel it would be invaluable to what I do as a lawyer working within, for and together with social movements. I really believe that that premise should always underlie my work. Of course, I am happy to work for a national organization that draws its strength from social movements and I will never leave Akbayan, but I have found over the past couple of years that — how does one say it? — being a lawyer puts natural limitations on one’s work as a social activist. I’ve relayed this frustration before to a number of people: feeling ko minsan, nagpaparachute intervention lang ako. Magbibigay ng legal clinic, magaattend ng hearing, ganun. I want so much to learn from the organic wisdom of the community, and I want that wisdom in its rawness. Walang layers na dadaanan, walang filters. Minsan, medyo frustrating having to deal with cultural notions deeply embedded into people’s psyche. Pag sinabing abugado, minsan parang may wall na biglang tataas. Bakbak ka ng bakbak, pero ang hirap gibain. Kaya tuloy hindi natural ang daloy ng bahaginan. Lagi ko sinasabi, akala niyo kayo ang tinuturuan ko, hindi niyo alam, ako ay natututo din mula sa inyo. Sana bigyan niyo pa ako ng pagkakataon na higit pang matuto mula sa yaman at galing at lalim ninyo.

Second point, well siguro gusto ko din sabihin sa sarili ko na kaya ko. Una, kaya ko siya matutunan. Kaya kong “habulin”. At kaya ko yung hinihinging tiyaga at commitment.  Alam naman ng lahat ng nakakakilala sa akin na walk-in activist ako. Wala akong consciousness nung high school or college. Hindi ako dumaan sa pagka-YS. I was convinced, I joined, and now I’m in it for life. Kaya may feeling ako minsan na lagi ako naghahabol. ANd may inferiority complex ako na hindi ako dumaan sa mga ed sessions, mahina ako sa theory. Pero siguro kung may asset ako, siguro ito ay magaling ako makinig. Kaya ko siyang ilagay sa filing cabinet sa ulo ko para huhugutin ko nalang kung kinakailangan. Pero syempre may limits din ang vicarious knowledge. Naiingit ako pag pinapakinggan ko sina Joboy at Jansept, pag kinekwentuhan ako ni Oliver o di kaya ni Zos. Naiingit ako sa yaman ng kanilang kaalaman. Gusto ko maging astig katulad nila. Naks.

Pangatlong point — at palagay ko pinakamahalaga — sa dulo, naniniwala ako sa peasant movement. Naniniwala ako na ang lakas ng magsasaka ay nasa kanyang hanay. Baduy man pakinggan, ganun talaga feeling ko. Jane Capacio wrote an interesting blog entry that gave me some pause. I know that the bishops and the Catholic Church in general have made invaluable contributions to the cause of the farmers; and for that, this prodigal daughter will be forever grateful. I also know na sa Sumilao at sa Calatagan, malaking bagay yung malawak na network ng support group. Ewan ko, Jane. If you ask me where my faith in the peasant movement is coming from, hindi ko din kayang sagutin. But that faith is there. At palagay ko mananatili ang pananalig na iyon habang may isang magsasakang galit sa kawalan ng katarungan.

Maybe it’s because I’m young and still naive (in some things, jaded in others). Iniisip ko minsan baka naroromanticize ko din ang pakikibaka sa kanayunan. Isa din yun na dahilan kung bakit palagay ko malaking tulong ang pagiging CO to the course I have charted for myself. Matatanggal ang romanticism sa araw-araw na pagsasama, and it will help me be a better and more effective advocate.

So ayun… gusto ko mag-CO. Super excited na ako. Matagal pa naman, sa 2009. Kailangan ko din ito ipaalam sa Akbayan syempre. At iniisip ko pa kung saan ako magpapabalangkas. Ang idea kasi dapat walang makakaalam na lawyer ako.

O basta, ewan ko pa. Details to follow. Ang mahalaga sa akin, naisulat ko na. Nasabi ko na in public. Kaya kailangan ko panindigan.🙂


Responses

  1. mahaba sbra ang comment ko dito.pero ito na lang,sobrang bilib ako sa iyo na naisip mo na KAILANGAN maging CO.at susuportahan kita sa desisyon na ito.

  2. salamat.🙂 pero matagal pa ito, next year pa. hindi ko pa naaayos ang logistics.

  3. Hi Jae, naniniwala rin ako sa peasant movement. Pangako🙂

    Pag naging CO ka na, tactic session tayo. Dalawa ang paborito kong bahagi ng trabaho ko (siguro dahil yun ang pinaka challenging): makinig sa mga magsasaka at maki TS sa mga CO. Napakahusay mag-isip at dumama ang mga magsasaka. Pag nadala mo sila sa isang arena kung saan sila ay kolektibong naninindigan na sa mga desisyon nila, pakiramdam mo ay nanalo ka sa lotto.

    Ang susi ay naroon sa ating mga tanong. Pag bite sized at tama ang ating mga tanong, at sapat ang input natin para sa kanilang analysis, ang mga magsasaka ay magbibigay ng mga pinaka rational, matalino, at mapagpalayang mga sagot.

    Mabuhay ka. Excited ako sa plano mo. Pag nakaluwag sa kampanya, chika tayo =)

  4. hi jane! sige usap tayo minsan.🙂 i remember telling josel one morning, natutuwa ako that i have been given the chance to work with various AR groups coming from very varied traditions. iba iba talaga ang approach. the challenge is to learn as much as you can, get the best parts of each. ang saya din, to listen to different perspectives and feel yourself enriched by these perspectives. i will certainly be looking forward to our ts.🙂

    excited din ako. sana nga matuloy. andami dami kong gustong matutunan. miles (and miles and miles and miles and miles..) to go before i sleep.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: