Posted by: Jae | July 20, 2008

Ang Pumatay sa Magsasaka ay Mananagot sa Kasaysayan

Kaninang madaling araw, pinatay ng mga armadong goons si Ka Bito, isang lider-magsasaka sa lalawigan ng Masbate. Si Alberto “Bito” Yusi ay pangulo ng Alsa Paraoma, isang pederasyong panlalawigan.

Siya ang pangatlong biktima sa loob lamang ng dalawang linggo.

Noong July 6, pinaslang din ng sabay ang magsasakang sina sina Rene Llabres at Junrie Pagaspas ng mahigit kumulang 15 na armadong kalalakihan na kinilalang myembro ng NPA. Ang kanilang lookout ay kinilalang mga tauhan ni Bobby Honasan, pinsan ng nakaupong Senador na Chair ng Committee on Agrarian Reform.

Bago ang pagpaslang, nilapitan ang magsasaka mismo ni Bobby Honasan at sinabing kung itutuloy nila ang laban sa lupa at hindi aatrasin ang petition for leasehold, may mamamatay muli sa kanila.

Noong Disyembre, pinatay si Butchoy Vale, lider-magsasaka at nahalal na kagawad ng mga NPA. Kinundina ito ni Risa Hontiveros sa isang privilege speech. Sinagot ito ng NPA, at umamin na sila nga ang kumana kay Butchoy, na naging dahilan para sa panawagan na patigilin ang patayan sa Masbate at ang sabwatan ng NPA at goons.

Cellphone ni Butchoy ang ginamit para ipakalat sa lahat ang nasa “death list” ng NPA sa Masbate. Lahat ng pinatay ay nasa death list ang mga pangalan. Lahat ng pinatay, iisa ang paraan ng pagpatay.

Mahaba ang listahan at madami pang pangalan.

***

Sa madaming pagkakataon at pakikibaka, umuubra ang simpleng organizing, tacticizing, alliance-building. Hindi matawaran ang leksyong pinamana sa atin ng kampanya ng Sumilao — kahit ga-sinong mayaman at matalino ay napapaluhod ng hanay ng magsasakang nagkakakaisa, masigla at marunong magsuri, at nagsusulong ng pangarap katuwang ang mga kakampi.

Ngunit paano kung nguso ng baril ang nakatapat sa mukha mo, tangan ng kalabang walang diyos na ginagalang at walang langit na hinahangad?

***

Kanina may nagtanong sa akin kung ano ang tingin kong dapat susunod na hakbang. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung ano ang mas makabubuti, at ano ang mas makakalala ng sitwasyon. Ang alam ko lang, nananakit ang dibdib ko sa tindi ng galit.

Sa mga pumatay kay Butchoy, kay Junrie, kay Rene at kay Bito, wala akong salitang maisip para malagyan ng hugis ang aking galit. Kasuklam-suklam kayo. Mga duwag at walang bayag.

Ang pumatay sa magsasaka o sinumang isinantabing uri ay mananagot sa kasaysayan.


Responses

  1. salamat… maraming salamat… uncle ko po si butchoy vale..

  2. condolences po….

    harinawa’y yumabong ang binhing tinanim ni ka butchoy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: