Posted by: Jae | July 22, 2008

Arrgghh

Nakakainis ang araw na ito.

Una, nagtext bandang lunch yung suicidal stranger. “Can we be textmates? Anong itsura mo?”

Paksheht. Napuyat ako kagabi sa kakaalala at kakagoogle ng mga suicide prevention and care tips. Kasi akala ko may taong nasa bingit ng kamatayan. Well, siguro nga pwedeng depressed siya kagabi, pero ambilis niyang bumalik sa pagkajologs. Sa lahat pa naman ng ayoko yung mga ganyang walang katuturang anonymous textmate – textmate.

Pangalawa, nahulog yung lens ko sa canal kanina habang tumatakbo ako papunta sa isang meeting na feeling ko late na ako. Sinungkit ko yung lens ko mula sa canal na sobrang baho. Pagdating ko sa venue ng meeting, namove pala. Naiinis pa naman ako sa mga dagliang reset.

Pangatlo, nawawala yung dokumentong kailangan kong gawan ng Motion for Reconsideration. Matagal pa naman siya due, pero sinabi ko na sa sarili ko na gagawin ko na siya ngayon dahil fully-booked na ako this week.

Hindi naman ito mga major na trahedya. Minor annoyances lang.

Magpapantasya nalang akong nasa beach ako…

O di kaya nasa law school muli at wala masyadong alalahanin sa buhay…

 

Haay. One of those bornot days. This too shall pass, singkamas.🙂


Responses

  1. haaay ganito din nafeel ko.ang simple nung law school.pakape-kape lang sa may law center/

  2. oo nga, sa law center ang C tambayan. Ang A tambayan naman, sa gilid ng theater. nostalgia trip…sigh…

  3. sana sinabi mo, “i changed my mind na pala… go ahead. kill yourself na… baka iba pa pumatay sayo!”

    JOKE yun ha.

  4. Hmph, saan ang tambayan ng B?😦

  5. baka sa lib. haha. joke.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: