Posted by: Jae | April 15, 2009

Malas

May mga tao talagang uncannily lapitin ng weird freaky little cannonballs of malas. Minsan nakakahalata na ako. Nung nagpunta akong Baguio two weeks ago, biglang nagbrownout ang buong city. Wala lang, as in biglang lights out lang. Nung nagpunta kaming Pundaquit bilang jump-off point to Anawangin last week, biglang nagbrownout ang buong strip ng mga resort. Wala lang din, basta namatay na lang kuryente. At nung nagpunta ako Coron a two months ago, biglang namatay ang tubig ng wala wala lang din.

Kahapon, ginulat na naman ako ng isang matindi-tinding whapaaak, albeit this time not involving basic services delivery. Kumuha nga ako ng insurance di ba, at kahapon ng lunch ang aming pirmahan at bayaran. Pagkatapos ng aming transaction, natanggap na niya ang pera ko at lahat, nauwi na kami sa chikahan. Small talk, ika nga.

Agent: Ano bang province mo?

Me: Laki ako dito, pero yung roots namin sa Iloilo. Ikaw?

Agent: Taga Quezon ako, eh.

Me: Ows, talaga? Saan dun?

Agent: Alam mo ba yung Bondoc Pen?

Me: Hmmm, oo.

Agent: Familiar ka pala. Medyo magulo ang lugar namin, alam mo ba?

Me: (noncommital) Medyo.

Agent: Eh kasi naman, yung mga magsasaka dun, masyadong matatapang at walang utang na loob.

Me: (nabilaukan) Paano mo nasabi yan?

Agent: Kasi yung mga tenants namin, bigla nalang nagboycott ng shares. Hindi daw titulado ang aming lupa.

Me: (knowing the answer before asking the question, recalling the many documented cases of Bondoc Pen lands acquired by mere arrogant say-so, or worse, through the barrel of a gun) Hindi nga ba titulado?

Agent: Hindi. Dineclare lang ng aming mga lolo at lola na kanila yun
nung araw.

Me: (struggling for zen-like calmness) Yung right naman ng landowner to a share in the harvest is premised on their being legitimate landowners. Dapat nga wala nang tenancy sa malalaking landholdings, kasi may CARP na.

Agent: Ang bait bait namin sa mga tenants. Tapos gaganunin lang nila kami.

Me: Ano bang maiden name mo?

At nung sinagot ng agent, nakilala ko agad ang kanyang apelyido at napabuntung hininga.

Hindi ba yun napakatinding kamalasan? Sa dami ng insurance agents ng Pilipinas, talagang kailangan kong mapunta doon sa hindi lang basta galing sa landowner class, sa Bondoc Pen pa talaga. Bondoc Pen! Shet naman. Sabi ng blockmate ko nung law school, “Jae, does that mean na lahat ng katransact mo ay alam dapat ang personal background at ang political positions?”

Hindi naman, pero nakakatambling naman na marinig mong nirereklamuhan ka about yung eksaktong issue na kinikilusan mo, at habang kumakain ka ng beef kebab ay may nagbibitch tungkol sa magsasakang mahal na mahal mo. At higit sa lahat ay naging bahagi ka ng kanyang kumikitang kabuhayan.

I think I will pull out my policy within the day. Sabi ni Dianne, kahit hindi alam ni agent bakit ko ginawa yon, at least ako sa sarili ko alam ko. Siguro medyo OA, pero kaunti lang naman ang mga bagay sa buhay ko na pinaniniwalaan ko ng buong buo. Kaunti nalang ang pinagtatayaan ko ng buong puso. It’s important to have something to commit to, to insist on, to live by.

Hindi ko pa nasusubukan mag stop payment sa credit card. Mahirap kaya?


Responses

  1. Naku Jae! I almost fell my seat laughing. Ang malas mo naman. Pa-“feng shui” ka kaya…mukhang hindi balanse ang energies mo.

  2. I’m with you Jae. Bawiin mo yang policy na yan. To hell with insurance agents, especially those that trace their roots to Bondoc Pen. Anong health insurance ba yan? Caritas Health Shield? Naku, laking sakit ng ulo yan. Kami nga, humingi ng refund at cancellation ng policy because of their misrepresentation.

  3. kng nangyari sa akin ito,i think im gonna pull out my policy too.lawrd, bakit naman sa lahat-lahat pa, bondoc pen pa nanggaling ang taong ito?whyyyy!

  4. Sabi ni Dianne: Dapat alam nya. Dapat me impact. Dapat maging favorite kwento ka nya. Dapat tumambling pamilya nya. Dapat tumatawa mga magsasaka kapag nagkikita sila.

  5. hmmm… parang the universe is trying to tell you something, ano jae? ano kaya yung message na yun?

    kung anuman yun, tiyak may punchline sa dulo🙂 buhey talaga oo.

  6. Naisip ko lang, sana right there and then nagwala ka na. Sabay bawi ng pera. After saying your piece of course.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: