Posted by: Jae | May 13, 2009

Bad trip

Bad trip. Bad trip. Bad trip.

Denied daw ang Second MR namin sa Dusit. Hence, jurisprudence na na pag ang manggagawa ay naglunsad ng peaceful protest action basta “embarrassing to the employer”, strike na yun.

Nagpuyat kang gumawa ng dokumento, at ginawa mo ito sa gitna ng mga meetings at pagpaplano para sa CARPER deadline, pero malalaman mong hindi pala ito nafile on time.

Nag-oorganisa ka ng forum na binagsakan naman at pinagpasyahan pagtulungang gawin, pero parang namamalimos ka ng pansin. As though ikaw wala kang ibang trabaho kundi mangulit sa text at tawag.

Sumasakit na ulo mo may deadline kang Appeal sa lunes, pero may byahe ka papuntang Bacolod sa Linggo. Na by the way kailangan ng powerpoint presentation. Sa Lunes, mula airport diretso Kongreso. May activity kasi. Something like that.

May gusto pang pumasok ng kaso, CLOA cancellation, samantalang tatlong kaso na ang tinanggap mo  sa loob ng isang gabing pulong sa harap ng DAR. Hindi ata naman nabibili ang Petition sa carinderia. Hindi naman ako robot, pabrika ng lomi at pleading, tambakan ng kaso tapos sa ibang bagay ay hindi naman kasali, hindi tinuturing na kabahagi.

Ewan.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko na umiyak.

Mabuti nalang andyan si Yoyong Merida, ang magiting (at kunwari ay english-speaking) magsasaka ng Sumilao, na nagtetext ng “i miss my beatifol farm in Sumilao, San Vicente, Bukidnon, which i leave to go to Manila to fight for the right of the farmer,  so therefore that’s why i will work my farmtown in Facebook.”

Sige ako din Yoyong. Farmtown nalang ako. Mas masaya pa. Level 25 na ako. 

p.s. gusto ko lang mag-angst. siguro ay rereglahin lang ako. buburahin ko ito bukas.


Responses

  1. wag, sana wag mo itong burahin. wala lang, just so the next time you read it you know that everything shall come to pass. and for some reason, na-inspire mo ako to work harder. actually, feeling ko si yoyong un and his farmtown🙂 he and you made me smile.

  2. 🙂 labyu yoyong.

  3. kaya ka pala nagkakasakit na.😦

  4. I’m sorry Jae, I feel partly responsible…Sa iyo ata pumunta ang Dusit after I declined to do a second MR. What can I say? Sa inuman na lang siguro…mahirap na dito sa internet….

  5. nopes, luv. i did the 2nd MR for the public sector unions. ako din ang tumira ng 1st MR nun. remember, we all had separate MR’s? kaya pareho tayo naka-furnish dun sa SC order. but if you still feel bad at gusto mo manlibre ng inom, go ako dyan. hehe.

  6. Ayayay!😉 Dapat may assistant ka na Jae yung tagakulit lang ng mga dapat gumawa ng filing etchus.🙂

  7. dapat palitan na ang “28 years old. Female. Lawyer. Activist. Kikay. Batang UP…” ng “29 years old. Female. Lawyer…etc.”. baka sakaling pumalit ang ihip ng hangin at magiging “good trip” na ang lahat (hehe).

  8. psyche – sino kaya ang willing magassistant na ang bayad ko lang ay yosi at kape? hehe.

    kulas – oo nga eh, but when wordpress changed its template, i forgot na how to work the widgets.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: