Posted by: Jae | November 4, 2007

Featured Friend of the Week 4: Post-Halloween Special

Matagal ko na gusto ifeature si Josel sa blog ko. Blogger of a few months pa lang, he shot to fame (and notoriety? hehe) because of the Malu Fernandez issue. Lumabas pa siya sa TV. Bukod sa masipag na blogger, si Josel ay mabait, matalino, matapat, manyak na malupit (joke lang), at ilang dekada na din ang nilaan niya para sa peasant movement. Pag may kailangan ako iconsult sa AR, kay Josel ako unang lumalapit. Totoo yon.

Mabuti nalang pala inantay ko ang Halloween bago ifeature si Josel. Kasi  angkop ang entry niyang ito. At siyempre may implikasyon sa akin dahil —- opis ko din ito. Paminsan at least. Waaaaaaah, MAY MULTO, MAY MULTO SA AKBAYAN HQ!!!

Naniniwala ba kayo sa Multo? by Josel Gonzales 

Happy Halloween mga kapatid!!! Gusto kong magpahinga muna sa mga usaping pulitika para lang naman maiba at di nakakasawa. At dahil gusto kong makibagay, ang topic ko ngayon ay multo.

Naniniwala ba kayo sa multo? Ito ang tanong na umiikot ngayon sa opisina namin ni Taroogs at ito ay hindi dahil sa Halloween pero dahil may ilan na ring nakaramdam ang iba sa aming bagong opisina at siyempre kasama ako roon. Eto ang ilang mga examples:

  1. habang nag-iisang nagkakabit ng linya ng internet ang isa sa mga IT boys para sa LAN ng opisina doon sa kwarto namin ni Taroogs isang gabi. May naramdaman syang pumasok sa silid at dumaan sa kanyang likod. Sa pag-aakalang ito ay ang kanyang kasama, nagkwento pa sya. Sbulait nagtaka sya na walang imik ang anyang kausap aya lumingon sya at nadiskubreng wala nga pala syang kausap.
  2. Isang Sunday ng gabi bandang 11pm ako ay nagpunta sa opisina para doon matulog (may dumating kasi sa bahay na ayaw akong makita). Pumasok ako sa room namin at iniwan ang aking bag at lumabas para kunin ang aking unan at sleeping bag sa kabilang kwarto. Napadaan ako sa isa ko pang panyero na noon ay nagtutumblebugs dahil nagloloko ang internet connection at chumika ako ng sandali at sabay pasok na ulit sa room. Sa aking pagbukas ng pinto may narinig akong TOOOOT! paglingon ko sa pinanggaling ng tunog ang PC ng kasama naming on-leave ng ilang buwan ay nagboot ng mag-isa. Natulog akong nakabukas ang pinto papuntang veranda just in case may tumabi sa akin na di mo naman kilala o di ko nakikita.
  3. Nag-iisa naman tong si Taroogs sa aming room isang araw, may tinatapos na dokumento at pasilip-silip sa kanyang Facebook at sinisipat kung may umaatake sa kanya sa Counterstrike, naradaman daw nyang may kumalabit sa kanyang likod. Di naman to araw ng Huwebes kaya tiyak akong di nagdedeliryo si Taroogs sa sipa ng Pulang Kabayo.
  4. isang Sunday ng tanghali dumating ang isa naming kasama sa opisina upang magsurf sa internet, dahil walang pasok ay nag-iisa sya sa kanilang room at habang wiling-wili sya sa kakasurf, naramdaman nyang may nagtakip na malamig sa magkabila nyang tenga. Tumayo sya at umuwi, di ko na nga lang naitanong kung nagkarron pa sya ng panahong patayin ang kanyang PC. Ito ay taong di matakutin, nakita ko na itong humarap sa pamalo ng mga pulis sa ilang mga dispersals ng aming mga rallies.
  5. Araw ngLunes, nitong kakatapos lang na barangay elections, umuwi ako ng bandang alas-11 ng gabi noong wala na masyadong nagpapanic na mga tawag sa aming hotline tungkol sa mga pandaraya sa eleksyon. Naiwan sa opisina ang isa naming kasama na nagpasya na ring umuwi ng bandang hatinggabi. Bago daw sya bumababa ay sinilip ng ang kabilang kwarto para magpaalam sa sino man ang nandun pa. Nung buksan nya ang pinto may babaeng sumita sa kanya pero di nya kita dahil di nya binuksan ng todo ang pinto. Di raw nya masyadong naintindihan ang sinabi pero sounds like ganito: Oist may tao rito! Wag ang istorbo. Dahil tinarayan sya ay nagsorry sya sabay close ng pinto at bumaba. Tinanong nya sa mga tao sa baba kung sino pa ang naiwan sa taas. Sagot sa kanya ay wala na maliban sa kanya. Dail nag-insist syang meron pa at nakausap nga nya pinuntahan nila sa taas. Wala na ngang tao. Sa gabing din yon ay may narinig silang humahagulgol sa taas ngunit kapag kanilang inaakyat ay nawawala.

Naniniwala ka ba sa multo? Unang linggo pa lang namin sa bagong opisina ay may nagchika nang kapitbahay sa may tindahan sa isa naming kasama. Wala daw tumatagal ng mahigit isang taon sa isang taon sa bahay na yun dahil nga daw may MULTO.

Sa totoo lang may running debate kung totoo nga bang may multo o wala. Syempre yung mga nakaramdam ay naniniwalang meron at yung mga hindi nakaramdam pa ay nagsasabing may ibang paliwanag ang kanilang mga naranasan at di ito dahil may multo. Natatawa ako sa comedy ng sitwasyon, biruin nyo pugad ng isa sa mga kilala at batikang aktibistang grupo sa bansa ay may multong nagpaparamdam.

Sa ngayon di mahalaga sa akin kung totoong may multo o hindi. Kung totoo man na meron, matitira ang matibay hehehe. Either lalayas kami at iiwan ang magandang bahay na ito na relatively mura ang renta o kaya’y marerecruit namin ang multong ito. Sa dami ba naman ngnaririnig nyang political situationers at political discussions sa opisinang ito ay imposibleng di naman sya marerecruit. Kung totoo ngang may multo.

Napapangiti ako sa prospect na may multong supporter ang AKBAYAN. Isipin nyo na lang ang mangyayari kung magkaharap kami ng hanay ng mga pulis na naghahandang i-disperse ang aming hanay at may biglang maramdaman ang mga pulis na malamig na haplos sa kanilang mga batok. Para siguro silang tinamaan na sarili nilang teargas hehehe.

Iniisip ko rin na kung ganun ay pwede naming ipadala sa Malakangyang si Comrade Ghost. Kaya lang duda akong masisindak sina Gloria at Mike Arroyo. Sanay ang mga yun sa mga GHOSTS – Ghost projects atbp. Baka nga bumaliktad si Comrade Ghost at pumayag na maging Ghost employee ni Gloria.

O, naniniwala ba kayo sa multo?


Responses

  1. Abah! Naniniwala ka palang may multo nga sa bagong HQ hehehe hala kausapin mo si SecGen hehehe.

  2. hehe. naniniwala talaga ako sa multo. aba aba, walking distance kaya kami sa balete drive. once, nung sinasamahan ko friend ko maghanap ng bahay, feeling ko sinasakal ako. di ako makahinga. then we found out, may nagbigti pala sa bahay na yun. pero walang tatalo sa priest-friend ng mama ko. naghehear sya ng confession tapos yung last na taong nagconfess, deep and gravelly yung voice and then bigla nalang ang kinoconfess yung mismong kasalanan ng pari na walang ibang nakakaalam kundi sya.

    boooooooh!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Jae, wala yan dun sa kaibigan kong nag-intern sa isang ospital sa maynila. isang gabi, habang nakasakay siya sa elevator kasama ang isang babae e may nakita siyang isa pang babae na humahabol sa elevator. biglang isinara mung kaibigan ko yung pinto nung elevator. tinanong siya nung kasama niya kung bakit niya hindi hinintay yung babaeng gustong sumakay. sabi niya “tiyak akong multo yun kasi may suot siyang berdeng wrist-tag. ibig sabihin kasi nun na-embalsamo na siya!”

    sagot nung babae kasabay niya, “berdeng wrist-tag? gaya nito?”🙂

  4. minsan nung highschool pa ako at di pa mashadong natatakot sa multo, di ako makatulog sa amin. maraming estatwa sa bahay,yung tipong religious paraphernalia etc. (maniwala ba kayong may 5-foot cross sa living room area namin?) heniweys, minsan ng di ako makatulog nakatitig lng ako sa isang estatwa ng sto. ninona nasa mesa malapit sa kama ko. matagal-tagal din, semi-conscious, walang iniisip. sana guni-guni ko lng sya pero kinikilabutan pa rin ako sa alaala na yun. kasi somehow nagmark sa utak ko na may ilang segundo na tumitig rin sakin yung estatwa na parang natatawang ewan. hay.

    yun lng.

    at sa same house na yun, kinuwento samin ng kaibigan ni ate, yung nakakakita ng multo, may maitim raw na tao sa bawat kanto ng general area namin. dire-diretso kasi yung living room, dining room, at kusina. 11 na kanto yun lahat-lahat. sana gets nyo na kung bakit tinatakasan ko talaga kapatid ko kapag nagpapatay na ng ilaw sa gabi. baka may biglang kumalabit sa akin pagdaan sa isang kanto. duwag na kung duwag.

    wag na nating pag-usapan yung basement. hay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: